Wednesday, February 08, 2023

PAGTATATAG NG MGA SPECIALTY HOSPITALS SA BANSA, ISINUSULONG SA KAMARA

Joepel


Pagtatatag ng specialty hospitals sa mga rehiyon sa bansa, isinulong sa Kamara...


Itinutulak sa Kamara ang paglikha ng regional specialty centers sa lahat ng mga pagamutan sa bansa.

Layun ng hakbang na ito na mabigyan ang mga Pilipino ng abot kaga at de kalidad na serbisyong medikal.

Sakaling maisabatas ang House Bill 6857, sinabi nina Cong. Paulo "Pulong" Duterte at Cong. Eric Yap, na maari nang magkaroon ng branches sa bawat rehiyon ang mga itinuturing na specialty hospital na matatagpuan lamang sa NCR, gaya ng Philippine Heart Center, National Kidney and Transplant Institute, Lung Center of the Philippines, Philippine Children’s Medical Center at ang Philippine Cancer Center.

Paliwanag ni Duterte, tanging ang mga pagamutan lamang na ito ang may kakayahang gumamot sa ilang partikular na sakit, subalit wala aniyang access dito ang mga hikahos nating kababayan na nasa mga lalawigan.

Sinabi naman ni Yap, na ito ang dahilan kayat isinulong nila ang panukala nang sa gayuy, maisakatuparan ang binuong development plan ng Department of Health (DOH) na bahagi ng 2020-2040 Philippine Health Facility Development Plan na target na makapagpatayo ng 328 specialty centers sa ibat ibang rehiyon sa buong bansa.

Nakasaad din sa proposed measure na sa loob ng tatlong taon matapos itong maisabatas, dapat na makapagpatayo ng kahit na tig-isang specialty hospital sa mga area ng Northern Luzon, Southern Luzon, Visayas, Northern Mindanao, at Southern Mindanao.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home