Monday, February 06, 2023

FREELANCE WORKERS PROTECTION ACT, PASADO NA SA KAMARA

Isa Umali / Feb. 06



Sa botong 250 na pabor at walang kumontra…


Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 6718 o “Freelance Workers Protection Act.”


Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, inaasahang nasa 1.5 milyong Pinoy freelance workers ang makikinabang kapag naging batas na ang panukala.


Sa ilalim ng panukala, kailangang mayroong kontrata sa pagitan ng freelance worker at kumukuha ng kanyang serbisyo.


Nakasaad sa gagawing kontrata ang mga kondisyon sa pagtatrabaho, detalye ng pagbabayad at benepisyo, mga magiging dahilan para makansela ang kontrata, at iba pangkondisyon na itatakda ng Department of Labor and Employment o DOLE.


Ang mga freelance worker ay dapat ding makatanggap ng night shift differential at hazard pay.


Ang mga lalabag naman ay pagmumultahin ng P50,000 hanggang P500,000.


Kailangan namang magparehistro ng mga freelance worker sa Bureau of Internal Revenue at sila ay bibigyan ng tax relief sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act.



wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home