ISANG DAANG LIBONG DOLYARES NA DONASYON NG PILIPINAS SA MGA BIKTIMA NG LINDOL, IPINAKALOOB NI SPEAKER SA AMBASSADOR NG TURKEY
Milks
$100,000 donasyon ng Kamara sa mga biktima ng lindol sa Turkey…
100-thousand dollars ang donasyon ng Kamara sa mga biktima ng lindol sa Turkey.
Ang donasyon na magsisilbing humanitarian aid ay mula sa Disaster Relief and Rehabilitation Initiative ng tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Romualdez, ang donasyon ay bilang pagtanaw ng utang na loob sa Turkey na isa sa mga bansa na unang tumulong sa Leyte at maraming bahagi ng Eastern Samar nang manalasa ang bagyong Yolanda noong November 2013.
Matatandaan, nagsimula ang pagtulong ng Kamara sa mga biktima ng kalamidad nang maglunsad ng relief drive sa kaarawan ni Romualdez noong November 14.
Una sa mga natulungan ang mga biktima ng bagyong Paeng noong nakaraang taon kung saan umabot sa 70.72-million pesos ang cash and pledges sa mga nasalanta ng bagyo.
Sinundan ito ng pagtulong ng Kamara sa mga nasunugan sa Navotas at nang makaranas ng pagbaha ang Mindanao at Visayas noong Disyembre.
Ang 100-thousad dollars na tulong sa Turkey ay ipagkakaloob ni Romualdez kay Turkey Ambassador to the Philippines Niyazi Evren Akyol sa tanggapan ng House Speaker sa Batasan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home