MILITARY-GRADE LASER INCIDENT NG TSINA, KINONDINA NG MAKABAYAN BLOC SA KAMARA
Milks/17feb23
Resolusyon na kumo-kondina sa “military-grade laser” incident ng China, inihain ng Makabayan bloc…
Mariing kinundina ng Makabayan bloc ang paggamit ng China ng “military grade laser” sa mga kagawad ng Philippine Coast Guard lulan ng BRP Malapascua sa Ayungin Shoal.
Inihain ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ang resolusyon para kundinahin ang naturang hakbang sa harap ng isinampang diplomatic protest ng gobyerno.
Sa House Resolution 781, tinawag ni Brosas na “gaslighting” ang paliwanag ng China dahil iniiba ang tunay na nangyari.
Matatandaan, sa paliwanag ni WANG WENBIN, Spokesman ng Chinese Foreign Ministry, ang barko ng China Coast Guard ay gumamit ng hand-held laser speed detector at hand-held greenlight pointer para sukatin daw ang distansiya at bilis ng sasakyang pandagat ng Pilipinas at matiyak umano ang kaligtasan ng navigation.
Sabi ni Brosas, kahit ipinatawag ni Pangulong Bongbong Marcos si Chinese Ambassador to the Philippines HUANG XILIAN para magpaliwanag sa insidente,
walang malinaw na kasunduan kung may aksiyon ba sa ginawa ng Chinese Coast Guard.
Umaapela rin si Brosas na dapat kumilos ang House Committee on Foreign Affairs at magrekuminda ng aksiyon sa ginawang aggression ng Chinese Coast Guard laban sa Philippine Coast Guard.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home