PAKIKIALAM NG ICC NA IMBESTIGAHAN SI DATING PANGULONG DUTERTE, TINUTULAN SA KAMARA
anne
Hindi pabor si Agusan Representative Dale Corvera na makialam ang International Criminal Court (ICC) lalo na ang pag iimbestiga nito sa dating Pangulo ng bansa.
Sinabi ni Rep Corvera, isang insulto para sa bansa ang gagawing imbestigasyon ng ICC.
Si Corvera ay kabilang 18 mambabatas na nagkaisa para ipagtanggol si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng umano’y crime of humanities, madugong giyera kontra droga.
Si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo ang nanguna sa paghain ng House Resolution No 780 na pinamagatang A Resolution In Defense of Former President Rodrigo Roa Duterte, the 16th President of the Republic of the Philippines.
Ipinunto din ni Congressman Corvera na ang intensiyon ng ICC para magsagawa ng imbestigasyon sa anti-drug campaign ni Digong ay hindi katanggap-tanggap.
Dagdag pa ni Corvera na naniniwala sila na hindi dapat makialam ang ICC lalo at ang kanilang iimbestigahan ay dating Pangulo ng bansa.
Nakaantabay din ang mambabatas sa magiging susunod na hakbang ng Kamara hinggil sa inihaing resolusyon.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home