RESOLUSYONG DIDEPENSA SA POSIBLENG IMBESTIGASYON NG ICC KAY DATING PANGULONG DUTERTE, INIHAIN SA KAMARA
isa
Pinangunahan ni dating Pang. At ngayo’y House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang paghahain ng isang resolusyon na humihimok sa Kamara na depensahan si dating Pang. Rodrigo Duterte laban sa posibleng imbestigasyon ng International Criminal Court o ICC ukol sa “crimes against humanity” dahil sa kontrobersyal na giyera kontra ilegal na droga.
Sa House Resolution 780, nakasaad na marapat na magdeklara ng “unequivocal defense” ang Mababang Kapulungan bilang suporta kay dating Pres. Duterte.
Kabilang sa mga kasama ni Arroyo sa resolusyon na ito ay sina --- Reps. Carmelo Lazatin, Jr., Aurelio Gonzales, Anna York Bondoc-Sagum, Jose Alvarez, Mary Mitzi Cajayon-Uy, Richard Gomez, Wilton Kho, Loreto Amante, Edward Hagedorn, Edwin Olivarez, Eric Martinez, Eduardo Rama, Jr., Dale Corvera, Zaldy Villa, Ma. Rene Ann Lourdes Matibag, Mohamad Khalid Dimaporo, Johnny Pimentel at Marilyn Primicias-Agabas.
Kanilang iginiit ang “remarkable accomplishments” ni Duterte sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga, “insurgency” at terorismo, maging sa katiwalian at kriminalidad kaya naging mas mabuti, kumportable at mapayapa umano ang buhay ng mga tao.
Binigyang-diin din nila na ang “judicial system” sa Pilipinas ay gumagana naman at “independent.”
Anila pa, sinabi noon ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na insulto at hindi katanggap-tanggap ang gusto ng ICC na imbestigahan si Duterte at ang anti-drug campaign.
Sa statement ni CongW. Arroyo, nais niyang matiyak ang patas na hustisya para sa lahat, dahil siya ay minsan na umanong nabiktima ng “unfair investigation at prosecution” noong administrasyong Aquino.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home