KATAYUAN NG MGA PROYEKTONG RILES NG DOTr TINALAKAY NG KAPULUNGAN, PAGSASAAYOS NG MGA NAANTALANG PROYEKTO HINIMOK NA TAPUSIN NA NG AHENSYA / DAHILANG DEPEKTIBONG NGA BAGON NG LRT 1 CAVITE EXTENSION, INAMIN NG DOTR SA PAGDINIG SA KAMARA
Nagkaroon ngayong Huwebes ng briefing ang Komite ng Transportasyon sa Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa Department of Transportation (DOTr), hinggil sa katayuan ng mga isinasagawa nilang mga proyekto sa mass transportation sa sektor ng riles.
Ayon kay Rep. Romeo Acop, ang namumuno ng Komite, na marami sa mga proyekto ng riles ng DOTr ay wala nang eksaktong petsa ng pagtatapos kaya hinihikayat niya ang ahensya na bumuo ng mga paraan upang harapin ang mga pagkaantala ng proyekto.
Binigyang-diin niya ang magiging epekto ng pagkaantala nito sa sambayanang Pilipino, “If there is substantial delay, there will be substantial fines or penalties,” dahil karamihan sa mga proyektong ito ay foreign-funded, o tinustusan sa pamamagitan ng pangungutang, aniya “these fines and penalties could be passed to the Filipino taxpayers.”
Sinabi ni DOTr Undersecretary Cesar Chavez na ang LRT Line 1 Cavite Extension Project ay nasa 68.88 percent overall progress rate noong ika-31 ng Enero 2023.
Simula noong ika-31 ng Enero 2023, ang pangkalahatang pag-unlad ng iba pang mga proyekto ay ang mga sumusunod: 1) LRT Line 2 East Extension Project, 99.80 percent; 2) MRT Line 3 Rehabilitation Project, 96.65 percent; 3) MRT Line 7, 66.07 percent; 4) Metro Manila Subway Project Phase 1, 37.48 percent; 5) Unified Grand Central Station, 79.72 percent; 6) North-South Commuter Railway (NSCR) System, 55.70 percent.
Ipinaliwanag ni USec. Chavez na karamihan sa mga pagkaantala ay dahil sa mga usapin sa right-of-way acquisition.
Iniulat din ni USec. Chavez na 80 sa 120 Light Rail Vehicles (LRVs) na binili para sa LRT Line 2 East Extension noong 2017 ay may pagtagas ng tubig, na nag-udyok sa pamahalaan na ipagpaliban ang pagbabayad sa supplier nito habang nakabinbin ang pagsusumite ng rectification plan.
“Ang nasa terms of reference po ay dapat ang bawat bagon ay continuous laser welded. Iyon ho ang nakalagay pero ang ginamit po ng ating contractor ay sealant,” aniya.
Kinumpirma rin ni USec. Chavez na pansamantalang ititigil ng Philippine National Railways (PNR) ang operasyon ngayong taon dahil sa mga alinlangan sa kaligtasan at paggastos.
Ayon sa Undersecretary, ang pagpapatigil ay maaantala ang konstruksyon ng NSCR project.
Idinagdag niya na ang mga pag-aaral sa pagsakay ay isinagawa upang magbigay ng mga alternatibo sa mga commuters na maaapektuhan ng pagpapatigil.
kath
Inamin ni DOTr Usec for Railway Cesar Chavez na isa sa dahilan ng delay sa pagtakbo ng LRT Line 1 Cavite Extension ay ang depektibong mga bagon.
Sa pulong ng House Committee on Transportation kaugnay sa railway project updates, sinabi ni Chavez na walompu sa 120 na bagon ay may water leak.
“The reported 120 trains for LRT Line 1. The 80 trains that arrived in Manila is not yet operational because there is a water leak issue. We want to inform the committee this early, that this is one of the causes of the delay on the rolling of these trains in the LRT Line 1.” Pagbabahagi ni Chavez.
Dahil aniya dito nag desisyon ang Marcos Jr. administration na huwag bayaran ang Spanish-Japanese contractor na Mitsubishi-CAF (Construcciones y Auxiliar de Ferrocariles)
Inatasan na rin aniya ng gobyerno na magsumite ito ng rectification plan.
Aminado si Chavez na hindi nagkaroon ng factory acceptance test sa naturang mga bagon dahil sa panahon ng pandemya at hindi makapunta sa Spain para i-test ito.
“So sa pagpasok ng Marcos administration, nag-decide po tayo na huwag magbayad sa Mitsubishi CAF…So ang desisyon ng Department of Transportation immediately upon learning this July 2022, wag ituloy ang bayad. Hanggat hindi nila narerectify…ang ginawa po natin inatasan sila na magsubmit ng kanilang rectification plan para sundin po kung ano ang nasa kontrata.” saad ng Undersecretary.
Pagtitiyak pa ni Chavez na ang contractor ang sisingilin sa gastos sa repair ng naturang mga bagon at inaaral na rin ang liquidation damages dahil sa delay.
Hanggang nitong January 31, 2023 nasa 68.8% na ang kabuuang progress rate ng proyekto.
kath
Tiniyak ng Department of Transportation na pinaghahandaan nila ang epekto sa mga mananakay ng nakatakdang tigil operasyon ng Philippine National Railways o PNR
Ayon kay Transportation Undersecretary for Railways Cesar Chavez, nakikipag-ugnayan na sila sa LTFRB para sa pagbibigay ng alternatibong transportasyon sa mga pasahero ng PNR.
Sa kasalukuyan, nasa 20,000 hanggang 25,000 aniya ang ridership ng PNR.
2,000 sa mga pasehero ay biyaheng Alabang-Calamba habang ang mayorya ay biyaheng Makati hanggang Tutuban.
Pagkatapos ho ng pandemic, bumaba ho yan sa 20,000. Ngayon nasa highest is 25 [thousand], hirap pa ho silang makakuha. Pero saan nanggagaling ang mga pasahero yung Alabang to Calamba that’s only about 2,000 sa isang araw….Ang mas marami nating pasahero ay mula dito ho sa Makati going to Tutuban, yun ho ang ina-address natin.” saad ni Chavez.
Plano ng DOTr na pansamantalang ipatigil ang operasyon ng PNR upang mapabilis ang konstruksyon ng South Commuter Railways Project.
##
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home