PAGLALAGAY NG PRAYER ROOMS SA MGA GOVT BUILDING AT PRIVATE MALLS, ISINUSULONG SA KAMARA
Milks/17feb23
Paglalagay ng prayer rooms sa mga government buildings at private malls, inihain sa Kamara…
Inihain ni Congressman Mujiv Hataman ang bill para maglagay ng Muslim prayer rooms sa bawat gusali ng gobyerno, hospital, military camp at maging sa mga pribadong establishment gaya ng mall at factory.
Sa House Bill 7117 ni Hataman, sinabi nito na malaki ang populasyon ng mga Muslim sa bansa.
Ayon kay Hataman, limang beses kada araw nagdarasal ang mga Muslim at kadalasan anya, challenge ang paghahanap ng lugar para dito.
Sabi ni Hataman, ang itatayong prayer rooms ay depende sa pangangailangan depende sa magiging rekumindasyon ng National Commission on Muslim Filipinos.
Aminado si Hataman na mayroon nang designated prayer rooms sa ilang malls at establisimiento.
Pero sa halip na limitahan, sinabi ni Hataman mas gawing accessible ang lugar para sila makapagdasal.
Paliwanag ni Hataman, bahagi rin ito ng kalayaan sa pagpapahayag ng pananampalataya ng mga kapatid nating Muslim.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home