Thursday, February 16, 2023

SUBSTITUTE BILL SA E-GOVERNANCE, APRUBADO NG KOMITE

Inaprubahan ngayong Miyerkules ng Komite ng Information and Communications Technology sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Navotas City Rep. Tobias “Toby” Tiangco ang substitute bill sa 20 mga panukala na magpapasimula sa paglipat ng pamahalaan sa e-governance sa panahong digital, para sa layuning paglikha sa Philippine Infostructure Management Corporation, at karampatang mga pondo para dito.  


Ipinaliwanag ni Rep. Tiangco na ang panukala ay naglalayong magtatag ng "isang epektibong plano sa e-government na lilikha ng mas mahalaga at makabuluhang mga serbisyo sa pamamagitan ng interoperability at paggamit ng lubos sa mga mapagkukunan na bahagi ng mga kapangyarihan at tungkulin ng Department of Information and Communications Technology (DICT),” pagdaragdag niyan na mababawasan ang katiwalian dahil sa limitadong interbensyon ng tao sa mga transaksyon ng pamahalaan.  


Itinataguyod ng panukalang batas ang paggamit ng ICT sa pagbabago ng mga proseso, operasyon, at paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan bilang isang mas nakasentro sa mamamayan, magkakaugnay at tapat na pamamahala. 


Sasaklawan ng panukalang batas ang lahat ng tanggapan ng ehekutibo, lehislatibo at hudikatura, kabilang ang mga lokal na pamahalaan, unibersidad at kolehiyo ng estado, mga korporasyong pag-aari at kontrolado ng pamahalaan, pati na rin ang iba pang mga instrumentalidad nasa bansa man o sa ibang bansa, na nagbibigay ng mga serbisyong sumasaklaw sa negosyo at mga transaksyong walang kaugnayan sa negosyo katulad ng tinukoy sa panukalang Batas. 


Inilarawan ni Rep. Tiangco ang substitute bill, bilang prayoridad na panukalang batas ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at pangunahing iniakda ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, bilang mas pulido at tumutugon sa panawagan ng pagbabagong digital. 


Isinalaysay niya kung paano tinalakay ang panukalang batas sa limang pagpupulong ng Technical Working Group (TWG), bukod sa dalawang focus group discussion na isinagawa ng DICT at ng Presidential Legislative Liaison Office, ayon sa pagkakabanggit, na naglalayong pagtugmain ang mga probisyon ng iba't ibang panukalang batas hinggil sa paksa at makagawa ng isang pinong substitute bill. 


Ang mga inihain na panukala sa kaugnay na paksa ay ang mga HBs 3, 277, 1809, 2568, 2683, 2731, 2902, 2963, 2978, 3421, 3612, 4115, 4137, 4261, 4262, 3563, 4776, 4499, 6882 at 7056 na iniakda ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Reps Luis Raymund 'LRay' Villafuerte Jr., Dean Asistio, Deputy Speaker Ralph Recto, Reps. Virgilio Lacson, JC Abalos, Joey Sarte Salceda, Michael Romero, Ph.D., Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan, Reps. Paolo Duterte, Harris Christopher Ongchuan, Gus Tambunting, Christopherson 'Coco' Yap, Arnolfo 'Arnie' Teves, dating Rep. Rex Gatchalian, Reps. Eduardo Rama, at Lordan Suan, ayon sa pagkakasunod. 


Si Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan ang nagmosyon para aprubahan ang substitute bill dahil ito ay masusi nang napag-usapan sa TWG at sa pulong ng araw na iyon. 


Pinasalamatan ni Rep. Tiangco ang Committee Vice Chair, at ang mga kasapi ng TWG na sina Reps. Kiko Benitez, Bryan Revilla, at Migs Nograles, gayundin si DICT Secretary Ivan Uy sa kanilang partisipasyon sa pagpipino ng panukala.  


Inaprubahan din ng Komite ang kaukulang ulat ng Komite sa panukalang batas.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home