Wednesday, February 15, 2023

SUBSTITUTE BILL SA PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENTS (PSA), APRUBADO

Inaprubahan ngayong Miyerkules ng Komite ng Public Information sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Agusan del Norte Rep. Jose Aquino II, ang substitute bill na nag-aatas sa broadcast media na ipalabas ang libreng anunsyo ng serbisyo publiko tungkol sa mahahalagang usaping pampubliko. 


Umaasa si Aquino na ang panukala ay maisasabatas na sa ika-19 na Kongreso, upang ipaalam sa publiko ang mga kritikal na usapin, makabuo ng kamalayan at magpalaganap ng impormasyon sa mga usapin ng pampublikong interes. 


Papalitan ng panukalang-batas na kikilalanin bilang "Public Service Announcement Act," ang mga House Bills 915 at 1542 na iniakda nina Batangas Rep. Mario Vittorio MariƱo at Surigao del Norte Rep. Robert Barbers, ayon sa pagkakabanggit. 


Ipinag-uutos din sa ilalim ng substitute bill na naaangkop ang pangangailangan para sa libreng airtime sa lahat ng negosyo na may kinalaman sa mga istasyon ng radyo at pagsasahimpapawid sa telebisyon na namamahagi ng nilalamang audio at video sa pamamagitan ng anumang audio, mass, digital o online na komunikasyon na media. 


Ipinapatupad din ng panukalang batas sa broadcast media ang paglalaan ng dalawang minuto bawat oras sa gawaing outreach ng pamahalaan. 


Ang mga substitute na panukala ay nag-aatas sa Philippine Information Agency (PIA) at National Telecommunications Commission (NTC) na subaybayan ang kanilang pagtalima sa kautusan.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home