Wednesday, February 15, 2023

UGNAYANG PH-JAPAN, SESENTRO SA PAGSUSULONG NG KAPAYAPAAN

Mainit ang pagtanggap ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez kay dating Prime Minister ng Japan Hon. Hatoyama Yukio, sa kanyang pag courtesy call sa Speaker, Miyerkules ng hapon. 


Habang nagpapahayag si Hatoyama ng paumanhin sa mga kasalanang nagawa noong panahon ng pananakop ng bansang Japan sa Pilipinas ay ipinaabot naman ni Speaker Romualdez na ang Pilipinas ay isang mapagmahal sa kapayapaan na bansa. 


Nakipagkita rin si Hatoyama kay dating Pangulo at ngayo’y Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, at tinalakay kung papaano makakamit at maisusulong ng mga bansa ang kapayapaan, lalo na sa pagitan ng Tsina at Estados Unidos ng Amerika. 


Ang mungkahi ni Hatoyama ay kabibilangan ng pagpapatawag ng Japan ng mga pinuno mula sa mga bansa sa Silangang Asya at pasimulan ang usaping pangkapayapaan. 


Tiniyak ni Macapagal-Arroyo na ang Pilipinas ay kaisa ng Japan sa pagsusulong ng kapayapaan, at napapansing maraming bansa ang nababahala kapag may mga sigalot na namamagitan. 


Iminungkahi ni Hatoyama na pagtulungan ng Pilipinas at Japan ang paglikha ng isang kapaligiran kung saan ang mga bansa ay magkakaroon ng mapayapang pag-uusap. Pormal siyang ipinakilala ni Speaker Romualdez sa mga Miyembro ng Kapulungan sa sesyon sa plenaryo ngayong Miyerkules. 


Pinangunahan ni Committee on Foreign Affairs Chairperson Rep. Ma. Rachel Arenas ang Secretariat ng Kapulungan sa mainit na pagtanggap kay Hatoyama sa kanyang pagdating sa Batasan Complex. 


Sinamahan naman nina Batangas Governor Hermilando Mandanas at maybahay ni Hatoyama na si Miyuki ang dating Prime Minister.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home