KAWALAN NG REPORT TUNGKOL SA KUNG NASAAN NA ANG KAPITAN AT TRIPULANTE NG MT PRINCESS EMPRESS, IIMBESTIGAHAN NG KAMARA
Kinuwestiyon sa Kamara ang kawalan ng report kung nasaan na at kung ano ang nangyari sa kapitan at tripulante ng MT Princess Empress.
Sinabi ni Cavite Rep Elpidio Barzaga, Jr na February 28 pa nangyari ang oil spill sa karagatan ng Oriental Mindoro at tinatanong niya kung bakit hanggang ngayon ay wala pang report kung ano na ang nangyari at nasaan na ang kapitan at tripulante ng MT Princess Empress.
Ayon kay Barzaga, ang kapitan at tripulante ang makapagbibigay sana ng impormasyon kung ano ang naging dahilan ng paglubog ng barko.
Sabi ni Barzaga na wala rin report sa mga ahensiya ng gobyerno kung grounded ang iba pang barko ng RDC Reield Marine Services ang may-ari ng MT Princess Empress na dapat anya ay SOP kapag may aksidente sa karagatan.
Iginiit din ng mambabatas sa Insurance Commission na habulin ang may-ari ng MT Princess Empress para maobliga na magbayad ng danyos lalo na’t sinasabi na mayroon itong P1-billion dollars na insurance.
Samantala, sinabi ni Barzaga, sa gagawing imbestigasyon ng Kamara, aalamin ang pananagutan ng mga ahensiya ng gobyerno kabilang ang pagtuturuan ng Marina at Philippine Coast Guard kung bakit nakapaglayag ang MT Princess Empres
milks wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home