RESOURCE PERSONS NA MAGSISINUNGALING SA MGA PAGDINIG NG KAMARA, TIYAK NA MAKUKULONG
Tiniyak ng liderato ng Kamara na ipakukulong ang mga resource person na magsisinungaling sa House inquiry laban sa talamak na onion at vegetable cartel sa bansa
Ipinangako ni House Speaker Martin Romualdez na hihimas ng rehas na bakal ang sinumang magsisinungaling sa muling pagdinig bukas ng House Committee on Agriculture and Food ukol sa hoarding ng mga agricultural products na dahilan ng pagtaas ng halaga ng sibuyas at iba pang mga produktong pang-agrikultura.
Matatandaan na kamakailan, nagpasya ang mga mambabatas na i-cite in contempt at idetene ang tatlong opisyal ng Argo International Forwarders Inc dahil sa pagmamatigas at kabiguang makiisa sa committee hearing ng Kamara na may layuning hubaran ng maskara ang mga financier at traders na nasa likod ng talamak na onion at vegetable cartel.
Giit ni Speaker Romualdez, hindi na kailangan pang ipaalala sa mga resource person ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa komite dahil sisiguruhin aniyang bilangguan ang bagsak ng mga ito sakaling magbigay ng mga maling impormasyon sa mga mambabatas.
Ginawa ng House Speaker ang babala, bunsod narin ng pagnanais ng mababang kapulungan na mapababa ang presyo ng sibuyas at lansagin ang vegetable cartel sa bansa.
Pagtitiyak ni Speaker Romualdez, kanilang pananagutin sa batas ang mga mapagsamantala at abusadong mga indibidwal at negosyante na sangkot sa kartel lalo na kung mapatutunayang may mga govt official na dawit sa anumalyang ito.
jopel----
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home