Friday, July 21, 2023

KAAYUSAN SA MEDIA PARA SA SONA 2023, KUMPLETO NA


Nakipagpulong ngayong Martes ang Media Affairs and Public Relations Service (MAPRS) ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa mga miyembro ng HRep-accredited media para isapinal ang coverage arrangement para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Ika-24 ng Hulyo 2023. Ibinahagi ni MAPRS Director Joaquin Romeo Santiago ang bagong polisiya sa media coverage ni Secretary General Reginald Velasco ng Kapulungan, para sa umaga bago ang aktuwal na SONA, at ang mga susunod na inaabangang kaganapan. Ayon pa sa kanya, nagbigay din ang Radio Television Malacañang (RTVM) ng kaunting panahon bago ang SONA sa mga television network para masubok ang RTVM feed sa kanilang mga channel. Gaya ng mga nagdaang taon, nabigyan din ng mga puwang ang mga accredited media organizations, kung saan maaari nilang subaybayan ang mga opisyal ng gobyerno na maglalakad sa red carpet sa Batasan Complex para sa SONA. Ang mga kinatawan mula sa ilang organisasyon ng media ay may nakalaan ding mga upuan sa Plenary Hall bilang mga panauhin ng SONA. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home