Friday, July 21, 2023

KAPULUNGAN NASA PRE-SONA LOCKDOWN NA SIMULA NGAYONG ARAW HANGGANG LINGGO


Isinailalim sa lockdown mode ang Kapulungan ng mga Kinatawan simula ngayong Huwebes, hanggang Linggo, bilang bahagi ng paghahanda sa kaligtasan at seguridad para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Lunes, ika-24 ng Hulyo 2023. Tanging ang mga mahahalagang tauhan ng Kapulungan na itinalagang papasok sa trabaho ang maaaring makapasok sa loob ng Batasang Pambansa. Sa panghuling SONA 2023 Inter-Agency Coordination Meeting na ginanap noong ika-17 ng Hulyo 2023, sinabi ni House Secretary-General Reginal Velasco na ang mga kapwa niya opisyal ay mananatili sa HREP hanggang Linggo, ika-23 ng Hulyo, upang matiyak na maayos ang lahat para sa SONA. “We will be here until Sunday to ensure everything will be alright for the SONA. There will be smaller groups (within the inter-agency) that can meet to address specific concerns,” ani Sec-Gen Velasco. Itinalaga niya si Major General Napoleon Taas (Ret.), House Sergeant-at-Arms (SAA), bilang point of contact para sa lahat ng mga katanungang may kinalaman sa seguridad, habang ang mga pagsasaayos at iba pang alalahanin ay maaaring iparating kay Deputy Secretary General (DSG) Atty. Grace Andres ng Inter-Parliamentary and Public Affairs Department (IPAD). Sinabi ni DSG Andres sa parehong pulong na epektibo ngayong araw ng lockdown, hindi na magkakaroon ng anumang karagdagang pagsusuri sa antigen para sa mga kinakailangang empleyado ng Kapulungan na papasok sa kanilang tungkulin. “Yung antigen test last Monday (July 17) will suffice for those who will be reporting during lockdown days,” aniya. 


PAGHAHANDA SA SONA 2023 MAGPAPATULOY SA LOCKDOWN PERIOD – SEC-GEN VELASCO


Patuloy ang pagsisikap na maging maayos ang paghahanda ng Kapulungan ng mga Kinatawan ngayong Huwebes para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa ika-24 ng Hulyo 2023. Ang lockdown ay nagsimula ngayong araw hanggang Linggo, ika-23 ng Hulyo 23. "The idea there is to reinspect everything. Not just the security, but all the equipment, all the personnel. Tapos meron diyan mga simulation exercises. So para pagdating ng Monday, perfect 'yong lugar and 'yong personnel," ani Secretary General Reginald Velasco sa isang panayam ngayong araw. Sinabi pa ni Sec-Gen Velasco na bukod sa SONA, naghahanda rin ang mga kawani ng Kapulungan para sa pagbubukas ng Second Regular Session ng ika-19 na Kongreso. "Monday morning, we re-open our doors kasi may session, 'yong beginning of the Second Session of the 19th Congress. So as early as 5 AM, magbubukas uli tayo for the personnel and essential staff na kailangan doon sa opening ng session," aniya. Kabilang aniya sa mga karagdagang paghahanda ay ang pagsubok sa kagamitan at sound system, inspeksyon sa ruta ng bisita, mga pamamaraan sa paglilinis at kaayusan, at iba pang maaaring pagbabago sa huling minuto. Pahihintulutan din ang mga organisasyon ng broadcast media na subukan ang pagtanggap ng signal ng Radio Television Malacañang (RTVM) sa Linggo, mula ala 1 hanggang alas 3 ng hapon sa panahon ng lockdown. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home