Muling ipinagtanggol ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chairman Alejandro Tengco ang P3 milyong gastos ng ahensya sa bagong logo nito.
Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations ngayong Lunes, inungkat ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang isyu ng paggastos ng PAGCOR ng P3 milyon para sa bagong logo nito.
“Yung P3 million na yun, at hindi ko po alam kung nakapagsaliksik, eh napakamura na po yung P3 million na yun. Ang totoo eh yung designer po na yun eh parang nagkawanggawa din na P3 million,” sabi ni Tengco.
Sinabi ni Tengco na hindi lamang logo ang pinapalitan sa rebranding.
“When you rebrand, that means hindi lang po yung logo specifically ang inyong gagawin. What are the deliverables?” paliwanag nito. “The graphic designer or the one that was awarded the design has to, one, be able to make sure that the implementation and use of the said logo will be properly done. May color palette po yan, may size, kasi papalitan po yung mga logo sa ating mga calling card, stationeries, envelopes.”
Kasama rin umano sa gagawin ng designer ang pagtiyak kung papaano gagamitin ang bagong logo sa 45 ari-arian ng PAGCOR sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
“So mayroon din pong isyu yan sa kulay. Sisiguraduhin po na yung color palette niya ay maayos po....Yan po ang sinasabi namin na maraming pong deliverables,” sabi nito.
Iginiit naman ni Manuela na kung in-house graphic designer ang ginamit ng PAGCOR ay wala sana itong ginastos.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home