Friday, August 25, 2023

PAGPAPALAKAS SA PROGRAMA NG PAMAHALAANG NASYONAL SA PAGTATANIM NG PUNO, PASADO SA IKATLONG PAGBASA


Inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na maglalatag ng mga mekanismo na titiyak ng epektibong pagpapatupad ng pambansang programa sa pagtatanim ng puno.


Sa pabor na botong 233, at tatlong hindi pabor, sa sesyon sa plenaryo ngayong Martes, inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang House Bill (HB) No. 8568, na naglalayong amyendahan ang ilang seksyon ng Republic Act (RA) No.10176, o ang "Arbor Day Act of 2012".


"There is a need for a corroborated effort between the State and its citizenry to combat the loss of our natural resources and rejuvenateour environment by rehabilitating degraded forest land areas, improving soil fertility and land productivity, and reducing soil

erosion especially in the rural and upland areas, undertaking nationwide tree-planting activities and providing effective measures for their maintenance and sustainability," ayon sa pagkakasaad sa nirebisang Seksyon 2 ng RA No.10176, na ipinanukala sa HB No.8568.


Iminumungkahi rin sa inaprubahang panukala ang pagbabago sa Seksyon 3 at 9 ng batas, gayundin ang mga bagong seksyon na 11-A at 11-B.


"Though this bill, we recognize the vital role and importance of trees in ecological stability," ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pinuno ng 311-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan, at idinagdag na, "I think we need trees more than trees need us."


Binanggit ni Romualdez na rekisitos ng panukala na muling buhayin ng lahat ng lalawigan, lungsod at munisipyo, kasama ang kanilang mga barangay, sa pamamagitan ng karampatang proklamasyon ng kani-kanilang mga lokal na punong ehekutibo, ng Arbor Day, sa karampatang petsa kada taon.


Ang panukala ay pangunahing iniakda nina Reps. Dante Garcia, Noel Rivera, Eleanor Bulut-Begtang, Alfonso Umali Jr., Ciriaco Gato, Jr., Gerardo Valmayor Jr., Marlyn Primicias-Agabas, Mark Go, Joseph Stephen Paduano, at Manuel Jose Dalipe.


Sinusuporthan ng HB No.8568 ang umiiral na Arbor Day Committee ng iba’t ibang lokal na pamahalaan (LGUs), sa pagmumungkahi ng pagsama ng mga field officers mula sa National Commission of Indigenous Peoples (NCIP).


Bilang default, ang mga Arbor Day Committees ay maaaring kabilangan ng mga field officers mula sa lokal na Sanggunian, local Environment and Natural Resources Office, Department of Environment and Natural Resources (DENR), Bureau of Plant Industry (BPI), Department of Education (DepED), Department of the Interior and Local Government (DILG); Commission on Higher Education (CHED), Department of Agriculture (DA), Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Tourism (DOT), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coconut Authority (PCA), Civic organizations, Sangguniang Kabataan (SK), Liga ng mga Barangay (LnB), at media associations.


Iminamandato ng panukala sa LGU, na may teknikal na tulong mula sa DENR, na tukuyin ang karampatang lugar na tatamnan ng iba’t ibang uri ng puno at halaman, kabilang ang kawayan.


"The DENR shall ensure that national greening program sites within the municipalities and cities are propagated and planted of various species to enhance existing vegetation," dagdag pa rito.


Isinasaad rin sa panukala na ang mga lugar ng mga minanang lupain sa mga ninuno ay maaaring maging lugar sa mga aktibidad sa pagtatanim ng mga puno. Ang iba pang mga lugar na maaaring magsagawa ng aktibidad sa pagtatanim ng puno ay ang mga pampublikong school grounds, hardin o iba pang lugar na nasasakupan ng lugar ng paaralan; mga nakatiwangwang o mga bakanteng pampublikong lupain; pampublikong liwasan sa mga kalunsuran at kanayunan; at mga pribadong paaralan, liwasan at lupain na may pahintulot sa may-ari.


Rekisitos sa panukala sa DILG na imonitor ang pagpapatupad ng RA No.10176 at magsumite ng taunang ulat sa Congressional Oversight Committee.


Samantala, magsusumite rin ang DENR ng taunang ulat sa congressional oversight committee sa mga lugar na tinukoy ng bawat LGU na angkop sa pagtatanim ng puno at reforestation.


Ang Congressional Oversight Committee na nilikha ng panukala ay iminamandato ang pagmomonitor at pangangasiwa ng pagpapatupad ng RA No.10176.


Itatalaga bilang co-chair ang mga chairpersons ng Komite ng Local Government sa Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado, at itatalaga naman bilang mga miyembro ang chairpersons ng Espesyal na Komite ng Reforestation at Komite ng Natural Resources ng Kapulungan ng mga Kinatawan, at ang chairperson at vice chairperson ng Komite ng Environment, Natural Resources at Climate Change ng Senado. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home