PANUKALA NA GINAGAWANG SIMPLE ANG MAHABA AT MASALIMUOT NA PROSESO SA PAGBILI NG PAMPUBLIKONG LUPAING AGRIKULTURA, APRUBADO SA KAPULUNGAN
Sa puspusang boto na 193, inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ngayong Miyerkules, sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na mag-aamyenda sa probisyon sa 87-taong gulang na Commonwealth Law, na mag-aalis sa luma at masalimuot na proseso sa pagbili ng mga pampublikong lupaing pag agrikultura.
Inaprubahan ng mga mambabatas ang House Bill (HB) No. 7728, na ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pinuno ng 312-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan, ay papalit sa Section 24 ng dekadang taon nang batas, “simplifying” at magpapabilis sa matagal na at masalimuot na pagbili ng mga propriedad.
Ang Public Land Act of 1936 (Commonwealth) ay isang pangkalahatang batas ng bansa na namamahala sa klasipikasyon, delimitasyon, survey, at disposisyon ng mga lupaing alienable ng pampublikong domain, ayon kay Speaker Romualdez, ang pinakamataas na pinuno ng Kapulungan mula sa Unang Distrito ng Leyte.
Ang naturang panukala ay ipinasa sa ikalawang pagbasa noong ika-30 ng Mayo bago nagbakasyon ang Kongreso noong ika-3 ng Hunyo.
Sa ilalim ng bagong panukala, ang pagpapalabas ng kalatas sa pagbebenta ay isasagawa ng DENR Central Office, ay binawasan nang minsan sa isang linggo, sa “two consecutive weeks” na lamang – mula sa dating anim – na ilalathala sa Official Gazette at sa “two newspapers.”
Ang isa sa dalawang diyaryo ay dapat na nasa Kalakhang Maynila, habang ang isa naman ay ilalathala sa lokal na munisipalidad o sa karatig lalawigan, kung saan naroroon ang nasabing agricultural property.
Ang kalatas ay dapat na nakalathala sa “bulletin board” ng DENR Main Office, at sa “most conspicuous place in the provincial and the municipal building of the province and municipality, respectively, where the land is located, and if practicable, on the land itself.”
Subalit kung ang propriedad ay nagkakahalaga lamang ng P50,000, ang proseso ng paglalathala ay hindi na gagawing rekisitos sa OG at mga diyaryo, dahil ang kalatas ay mailalathala na sa tatlong “conspicuous places” ng ibinebentang propriedad.
Ang mga rekisitos ay maaari nang palitan sa pamamagitan ng paglalathala ng kalatas sa mga “barangays and municipality where the land is located, and on the land itself, for the notice of that application.”
Ang mga kalatas ay kailangang ilathala sa “English or in the local dialect,” at itatalaga sa 30 araw lamang – na dati ay 60 araw - “after the date of the notice upon which the land will be awarded to the highest bidder.”
Ang Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay itinalaga upang mag-isyu ng mga kinakailangang patakaran at panuntunan na magpapatupad sa panukalang batas.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home