PANUKALANG P5.768-T 2024 NEP, TINANGGAP NG KAPULUNGAN MULA SA DBM
Tinanggap ngayong Miyerkules ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez mula kay Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman, ang panukalang Fiscal Year 2024 National Expenditure Program (NEP), na siyang magiging gabay para sa pagbalangkas ng General Appropriations Bill (GAB). Itinuring ni Speaker Romualdez ang turnover bilang makasaysayang okasyon habang ang Kapulungan ay patungo na sa pagbalangkas sa pinakamahalagang panukalang batas ngayong 2023, na pambansang badyet para sa 2024. Pinuri niya ang DBM sa maagang pagsusumite ng panukalang badyet, na magbibigay sa Kapulungan ng sapat na panahon na mapag-aralan, matalakay at mabalangkas ang mga pinal na puntos ng panukala. “Maraming salamat po sa pagbibigay sa amin ng sapat na panahon para pag-aralan ang proposal ng executive department. Asahan ninyo na mabilis din ang aksyon ng Kongreso para maipasa ang budget sa lalong madaling panahon,” ayon kay Speaker Romualdez. “The national budget is crucial for economic stability, sustaining the country’s growth trajectory facilitating the seamless implementation of government projects and programs. As such, it demands the House’s utmost attention and commitment. This is why I declared the passage of the national budget be a priority of the House of Representatives,” dagdag niya. Nangako siya na titiyakin ng mga miyembro ng Kapulungan na bawat sentimo ng P5.768-trilyong badyet ay gagastusin ng matalino. “With everyone’s participation and cooperation, I‘m confident that the House of Representatives will be able to scrutinize, deliberate and pass the national budget that is pork barrel-free for 2024 before we go on our first recess in October,” pangako ni Speaker Romualdez. Iniulat ni House Committee on Appropriations Senior Vice Chairperson Stella Quimbo na ang deliberasyon sa badyet ay magsisimula sa ika-10 ng Agosto, kung saaan ay ipiprisinta ng Development Budget and Coordinating Council ang mga macroeconomic assumptions ng panukalang badyet. Sinabi niya na ang Kapulungan ay patuloy na magiging malinaw sa kanilang mga pagdinig sa badyet, sa pamamagitan ng pagpapalabas sa livestreaming ng mga proseso. “We target to start our plenary debates on September 18. So hopefully by the end of September, tapos na po tayo,” aniya. Bukod kina Speaker Romualdez at Rep. Quimbo, ang iba pang mga miyembro ng Kapulungan na dumalo sa budget proposal turnover ay sina Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, Secretary-General Reginald Velasco, Committee on Appropriations Chairman Rep. Elizaldy Co, at iba pa. Samantala, kasama naman ni Secretary Pangandaman sina DBM Undersecretaries Janet Abuel at Dr. Joselito Basilio, at Assistant Secretary Mary Anne dela Vega. wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home