Friday, August 04, 2023

SPEAKER ROMUALDEZ, TINIYAK KAY PBBM AT SA BUONG BANSA NA MAAAPRUBAHAN ANG P5.768-TRILYONG PAMBANSANG BADYET SA OKTUBRE


Tiniyak ngayong Miyerkules ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr., at sa buong bansa na aaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang panukalang P5.768-trilyong 2024 pambansang badyet, bago magbakasyon sa buwan ng Oktubre. 


Ginawa niya ang pagtitiyak sa pormal na pagsusumite ng panukalang badyet ng Pangulo sa Kapulungan, sa isang seremonya na dinaluhan ng iba pang mga opisyal ng Kapulungan na pinangunahan nina Senior Deputy Speaker Aurelio "Dong" Gonzales Jr. at Majority Leader Manuel Jose "Mannix" M. Dalipe, at iba pang mga miyembro ng Kapulungan at mga opisyal ng Department of Budget and Management, sa pamumuno ni Sec. Amenah Pangandaman. 


“Let me assure everyone that the House of the People understands full well the need to pass the national budget on time. The national budget is crucial in maintaining economic stability, sustaining the country’s growth trajectory and facilitating the seamless implementation of government programs and projects. As such, it demands the House’s utmost attention and commitment,” ayon kay Speaker Romualdez, pinuno ng 312-miyembro ng Kapulungn ng mga Kinatawan.


Sinabi niya na tatalakayin ng Kapulungan, “in a very transparent manner and get the widest consensus for our spending plan.” 


“We will make sure that every centavo of the national budget will be spent wisely and contribute to our goal of reigniting the fires of our economic forges. Sisiguruhin namin dito sa Kongreso na lahat ng buwis na ibinayad ng ating mamamayan ay maibabalik sa kanila sa pamamagitan ng mga programa at proyekto ng gobyerno. Bawat pisong naidagdag sa kaban ng bayan, mapapakinabangan ng taumbayan,” aniya.


Nagpahayag si Speaker Romualdez ng pagtitiwala na ang partisipasyon at kooperasyon ng kanyang mga kapwa mambabatas at mga opisyal ng DBM at iba pang mga ahensya, na ang Kapulungan ay, “will be able to scrutinize, deliberate and pass the national budget that is free for 2024 before we go on our first recess in October.”


Ipinunto niya na ang taunang pambansng badyet ay ang blueprint ng prayoridad na paggasta ng pamahalaan.


“Dito nakasaad kung paano maibabalik sa taumbayan ang buwis na kanilang pinagpaguran, kasama ng iba pang revenue sources, sa pamamagitan ng mga importanteng proyekto, programa at serbisyong pangkaunlaran,” aniya.


Sa susunod na taon, sinabi niya na ang prayoridad ng administrasyon ay ang seguridad sa pagkain; pagbabawas ng halaga sa transportasyon, logistics at enerhiya; pag-aaral sa pagtugon sa mga pagkalugi; pangangalaga sa kalusugan at lipunan; pagpapaunlad sa pagiging mabisa ng burokrasya; at maaayos na pangangasiwa at pamamahala. 


Ayon pa sa kanya, ipinabatid sa kanya na ang panukalang badyet ay kapapalooban ng pondo na susuporta sa mga inisyatiba sa pagbabago ng klima, pagbibigay kapangyarihan sa lokal na pamahalaan, at ang kaunlaran ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).


Pinuri ng pinuno ng Kapulungan si Pangulong Marcos sa pagsusumite ng kanyang panukalang badyet sa pamamagitan ng DBM, walong araw lamang bago magsimula ang ikalawang regular na sesyon ng Kongreso noong Lunes.


Binanggit niya na sa ilalim ng Saligang Batas, ang Pangulo ay may 30 araw mula sa pagbubukas ng bawat regular na sesyon, na iprisinta ang kanyang panukalang pambansang badyet, kabilang na ang mapagkukunan ng pondo, sa Kongreso.


Sinabi niya na sa maagang presentasyon ng panukalang programa sa paggasta, “provides the House ample time to study, discuss and deliberate on the finer points of the proposal and formulate a national budget that is responsive to the development needs of the country."


“Maraming salamat po sa pagbibigay sa amin ng sapat na panahon para pag-aralan ang proposal ng Executive Department. Dahil sa maagang pagtanggap ng 2024 budget proposal, asahan ninyo na magiging mabilis din ang aksyon ng Kongreso para maipasa ang budget sa lalong madaling panahon,” aniya.


Pinuri niya rin ang DBM “for its continued innovation and its concern for the environment.” 


“I was told that at the end of today’s event, interested parties need only to scan a QR code to view a copy of the entire 2024 National Expenditure Program (budget proposal). This is in addition to the copy of the proposed budget being available on the DBM website,” aniya. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home