PANUKALANG MINING FISCAL REGIME NG PILIPINAS, INAPRUBAHAN NG KOMITE NG KAPULUNGAN
Inaprubahan ngayong Miyerkules ng Komite ng Ways and Means sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang wala pang bilang na substitute bill sa mga House Bills (HB) 373, 2014, 2246, 3888, at 8050 o ang panukalang “Philippine Mining Fiscal Regime Act.” Sa ilalim ng panukalang batas, ang operasyon ng malakihang pagmimina ng metal sa loob ng mga reserbasyon ng mineral ay sasailalim sa royalty rate na tatlong porsyento ng kabuuang nagawa, at royalty rate na katumbas ng isang ikasampu ng isang porsyento para sa maliliit na operasyong metal. Ipapataw ang margin-based na royalty sa malalaking operasyon ng pagmimina ng metal sa labas ng mga reserbasyon ng mineral. Magkakaroon din ng buwis na ipapataw sa hindi inaasahang kita sa bawat taon ng pagbubuwis mula sa kita ng mga operasyon ng metal na pagmimina. Nagpahayag ng kaniyang suporta si Chamber of Mines of the Philippines Executive Director Atty. Ronaldo Recidoro sa panukala, na aniya ay makatutulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa pagkatapos ng pandemya, at ipakita ang pangako ng industriya ng pagmimina bilang katuwang ng pamahalaan sa pagbuo ng bansa. “It would give the government a fair and increased tax take from mining while ensuring the competitiveness, attractiveness, and sustainability of the country’s mining industry,” aniya. Inaprubahan din ng Komite ang mga probisyon ng buwis at kita sa wala pang bilang na mga substitute bill sa 1) HBs 436, 2301, 3215, 4306, at 6225, na naglalayong magkaloob ng administratibong reporma at reorganisasyon sa Philippine Coast Guard, at 2) HBs 1148, 2865, 3775, 4546, 5769, 6093, at 6215, na magtatatag ng pasilidad ng pangangalaga sa titirahan ng mga walang tahanan, at inabandonang mga senior citizen sa bawat lungsod o munisipalidad. wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home