Inihirit ni 1-RIDER PL Rep. Bonifacio Bosita sa Department of Transportation o DOTr aang paglalaan ng “exclusive motorcycle lane” sa kahabaan ng EDSA.
Sa debate sa plenaryo ng Kamara para sa panukalang budget ng DOTr --- sinabi ni Bosita na sa EDSA, mayroong exclusive bus lane at exclusive bicycle lane.
Maayos aniya ito at mas ligtas ang mga sasakyang dumadaan dito.
Sinabi ni Bosita na na tinatayang nasa 175,000 ang mga motorsiklo na dumadaan sa EDSA araw-araw, at ang ibang sasakayan “excluding” ang mga bus ay nasa 252,000 araw-araw.
Tanong ni Bosita, may balak ba ang DOTr o maaaring pag-aralan ang suhestyong exclusive motorcycle lane sa EDSA para sa mga rider na nasa 40%, habang dalawa o higit pang lanes sa iba pang sasakayan na nasa 60%.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home