PANUKALANG PAG-AMYENDA SA ANTI-AGRI SMUGGLING ACT, INAPRUBAHAN NG KAPULUNGAN
Sa gitna ng mabilisang talakayan sa plenaryo hinggil sa badyet ng pamahalaan para sa 2024, nagkakaisang inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) 9284, na magpapalawak ng Republic Act (RA) 10845, o kilala bilang "Anti Agricultural Smuggling Act of 2016." Sinertipikahang agaran ni Pangulong BBM, ang panukalang batas ay nakakuha ng pabor na botong 289. Layon nitong ideklara bilang pagsabotahe sa ekonomiya ang malawakang smuggling ng mga produkto ng agri-fishery at tabako, hoarding, profiteering, cartelizing, at iba pang gawain ng pag-abuso sa merkado. Nakasaad sa panukala na ang krimen ng malawakang smuggling ng mga produkto ng agri-fishery o tabako bilang pagsabotahe sa ekonomiya kapag ang halaga sa merkado ng mga produkto ng agri-fishery ay P2.5 milyon, o kung may kinalaman ito sa mga produktong tabako na may minimum excise tax o value added tax na babayaran ng halagang P1 milyon. Kalakip din sa panukalang batas ang mga maaaring gawin sa pamamagitan ng: 1) pagkilos bilang isang ahente, tagapagpaunlad, forwarder, o warehouse/cold storage lessor ng lumalabag na importer; 2) pag-apruba sa kapasidad ng isang empleyado ng pamahalaan sa pag-angkat nang walang kinakailangang import clearance; at 3) pagpapahintulot sa paggamit ng mga pribadong daungan, resort, o paliparan upang ipagpatuloy ang pagsabotahe sa ekonomiya. Ang mga mapapatunayang nagkasala ng malawakang smuggling, hoarding, profiteering, cartelizing at iba pang mga gawain ng pag-abuso sa merkado, ay paparusahan ng habambuhay na pagkabilanggo, at multa ng anim na beses nang pantay na halaga sa merkado ng mga kalakal o tabako ng agri-fishery, kabilang ang pinagsama-samang halaga ng mga buwis, tungkulin at iba pang mga singil na iniwasan, “plus interest at the prevailing legal rate.” Nakasaad din sa panukala na ang mga produkto ng agri-fishery at tabako na sasailalim sa mga paglabag na ito ay kukumpiskahin, at ang mga ari-arian na ginamit ay kukunin pabor sa pamahalaan, alinsunod sa RA 10863 o ang "Customs Modernization and Tariff Act" at RA 7581 o ang "Price Act," sa kundisyon na ang mga kasangkot na entidad ay nabigo na maglabas ng salungat na ebidensya sa loob ng limang (5) araw. Pinagtibay din ng Kapulungan ang ulat ng bicameral conference committee, hinggil sa hindi magkakasundong probisyon ng HB 6527 at Senate Bill 2233, na nagbibigay ng enabling environment, upang mapaunlad ang paglago ng public-private partnerships para sa imprastraktura at iba pang mga proyektong pang-kaunlaran. Pinangunahan ni Senior Deputy Speaker Aurelio "Dong" Gonzales Jr. ang sesyon. wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home