Friday, September 29, 2023

Speaker Romualdez, pinasalamatan ang mga Pilipino matapos muling makakuha ng mataas na rating sa pinakahuling OCTA survey


Pinasalamatan ni SPEAKER Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga Pilipino sa patuloy na pagsuporta at pagtitiwala kasunod ng mataas na trust at approval rating na kaniyang nakuha sa pinakahuling OCTA Research survey.


Batay sa ‘Tugon ng Masa” poll ng OCTA na isinagawa mula Huly0 22 hanggang 26, napanatili ni Speaker Romualdez ang mataas na approval at trust rating na nasa 55 percent at 54 percent.


Ang naturang numero ay nagpapakita ng tiwala ay kumpiyansa ng mga Pilipino sa liderato ng Kamara de Representantes at sa legislative agenda na itinutulak ng 19th Congress.


"I am deeply grateful to the Filipino people for their unwavering support and the privilege to serve as Speaker of the House of Representatives. I am committed to working hard to make a positive impact on the lives of our kababayans,” sabi ni Speaker Romualdez, lider ng 311-miyembro ng Kamara de Representantes.


Dagdag pa nito: “The 19th Congress will continue to prioritize legislation that promotes economic growth, strengthens our healthcare system, and addresses the pressing concerns of our citizens. We will work together to build a more resilient and prosperous Philippines.”


Sabi pa ni Speaker Romualdez, na dahil sa nakuhang suporta ay buong pagpapakumababa niyang tutuparin ang kaniyang mandato na may dedikasyon at integridad.


Batid ni Speaker Romualdez na ang naturang ratings ay sakabila ng mga hamong kasalukuyang hinaharap ng bansa kaya’t lalo aniya siyang magpupursigi na makipagtulungan sa iba pang miyembro ng Kamara de Representatntes upang tugunan ang mga isyung ito para sa mas maayos na kinabukasan ng mga Pilipino


Sinabi pa ng pinuno ng Kamara na inaasahan niyang makipagtulungan sa kanyang mga kasamahan, stakeholders, at administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr. upang makamit ang mga mithiing ito at matiyak na ang interes at kapakanan ng mga mamamayang Pilipino ay nananatili sa prayoridad ng lehislatura .


Ang Tugon ng Masa ay isang non-commissioned survey na gumamit ng harapang panayam sa 1,200 adult respondent mual sa iba’t ibang panig ng bansa (END)


SPEAKER ROMUALDEZ, NAGPASALAMAT SA PUBLIKO SA PAGTANGGAP AT PAGTITIWALA SA KANYA, SA PINAKAHULING SURVEY NG OCTA


Nagpahayag ng pasasalamat si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng pasasalamat sa sambayanang Pilipino, sa kanilang patuloy na patitiwala at suporta, na pinatutunayan ng pinakahuling resulta ng OCTA Research survey.


Ayon sa isinagawang pagboto sa "Tugon ng Masa" ng OCTA mula ika-22 hanggang 26 ng Hulyo, patuloy na namamantine ni Speaker Romualdez ang malakas na pagtanggap ng nakakarami at pagtitiwala, na may gradong 55 porsyento at 54 porsyento, ayon sa pagkakasunod.


Ang gradong ito ay malawakang itinuturing na pagsasalamin sa pagtitiwala at kumpyansa na ibinigay ng sambayanang Pilipino sa pamunuan ng Kapulungan ng mga Kinatawan, at sa mga aduyenda sa lehislasyon na isinusulong ng ika-19 na Kongreso.


"I am deeply grateful to the Filipino people for their unwavering support and the privilege to serve as Speaker of the House of Representatives. I am committed to working hard to make a positive impact on the lives of our kababayans,” ayon kay Speaker Romualdez, pinuno ng 311-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan.


Idinagdag niya na: “The 19th Congress will continue to prioritize legislation that promotes economic growth, strengthens our healthcare system, and addresses the pressing concerns of our citizens. We will work together to build a more resilient and prosperous Philippines.”


Sinabi ni Speaker Romualdez na nagpapakumbaba siya sa patuloy na suportang kanyang natatanggap mula sa publiko, at nananatiling naninindigan sa pagganap ng kanyang sinumpaang tungkulin at mga responsibilidad na may kaakibat na dedikasyon at integridad. 


Sa kanyang pagkilala na ang mga gradong ito ay lumabas sa panahon ng mga pagsubok, sinabi ni Speaker Romualdez na matatag siyang naninindigan na makipagtulungan sa kanyang mga kapwa mambabatas na tugunan ang maraming usapin, na magbibigay-daan para sa magandang kinabukasan ng sambayanang Pilipino.


Sinabi ng pinuno ng Kapulungan na inaasahan niya ang ibayong pakikipag-ugnayan sa kanyang mga kasamahan sa Kapulungan, mga nagsusulong, at sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr. na makamit ang mga layuning ito at matiyak na ang mga interes at kapakanan ng mamamayang Pilipino ay nananatiling nangunguna sa mga pagsisikap para sa lehislasyon.


Ang Tugon ng Masa ay isang non-commissioned survey na nag-eempleyo ng harapang panayam na may halimbawang kinatawan ng 1,200 adult respondents sa buong kapuluan. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home