Thursday, September 14, 2023

MGA TANONG HINGGIL SA HINDI NAGAMIT NA PONDO NG CHED, NAGTAGAL SA PAGDINIG NG KANILANG BADYET

 

Hindi pa rin nasasagot ang mga tanong ng mga miyembro ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, hinggil sa mga nagastos at hindi nagamit na pondo ng Commission on Higher Education (CHED) sa pagdinig ng badyet ng ahensya ngayong Martes. 


Tinanong ni Komite Senior Vice Chairperson at Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo kung paanong nabawasan ang alokasyon ng CHED sa private higher education institutions (HEIs) mula P10.1 bilyon sa nakaraang ulat at naging P7.7 bilyon na lamang sa pinakahuling ulat nito, "I need to know paano tayo napunta sa 10.1 to 7.7 na walang naibang parameter. Hindi po tayo uuwi hangga't mapaliwanag po sa amin dito ang utang (sa private HEIs). Bakit siya nagbabago araw-araw?" 


Nabanggit din ni Komite Vice Chairperson at Iloilo Rep. Janette Garin na ang CHED, sa unang pagdinig ng badyet nito, ay ipinalagay na ang ilang hindi nagamit na pondo ay isinoli. Binigyang diin ni CHED Chairman Prospero De Vera III na P70 milyong pondo lamang ang inilaan ngunit hindi nagamit. 


Ipinaliwanag ni CHED Administrative, Financial and Management Service (AFMS) Director Dr. Rogelio Galera Jr. na ang mga datos na kanilang nakalap bago ang unang pagdinig ng kanilang badyet ay kailangang isangguni nila sa sentral at rehiyonal nilang mga tanggapan, dahil may ilang mga aytem na nabayaran na ngunit hindi kasama sa ulat. 


Sa isa pang paliwanag, sinabi ni CHED Executive Director Cinderella Filipina Benitez-Jaro na mayroon inilaan sa kanila na P16 bilyon ngunit hindi nagastos na pondo mula 2018 hanggang 2022. 


Nalungkot naman si Rep. Garin kung papaanong hindi pa nakakatanggap ng tulong ang mga iskolar ng CHED sa kabila ng pagkakaroon pa rin ng pondong hindi nagamit ang ahensya. 


Nagtanong din ang mga mambabatas tungkol sa Higher Education Development Fund (HEDF). Sinabi ni Chairman De Vera sa Komite na ang HEDF ay ginamit para sa: 1) mga batas na kamakailan lamang napagtibay ngunit walang alokasyon upang ito ay maipatupad; 2) mga espesyal na inisyatiba o programa ng ahensya; 3) pagbibigay ng mga kagamitan sa paaralan at pagpapaganda ng aklatan at; 4) paulit-ulit na mga programa sa scholarship. 


Inatasan ni Rep. Quimbo si Chairman De Vera na magsumite ng sinumpaang salaysay na nagdedetalye ng kanilang mga obligasyon sa pondo, mga nagastos at mga alokasyon. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home