PAGDINIG SA ULAT PINANSIYAL, MGA PLANO, AT MGA PROGRAMA NG PCSO PARA SA TAONG 2024, TINAPOS NA
Tinapos na ngayong Martes ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni AKO BICOL Rep. Elizaldy Co, ang pagdinig sa mga nagawa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), kaugnay ng pagdepensa nito ng badyet ng ahensya para sa taong 2024.
Sinubukang alamin ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang tungkol sa mga aksyon ng PCSO laban sa iligal na sugal, at ipinunto niya na may tendensiya ang ahensya na ituring ang problema bilang responsibilidad ng pulisya.
Binigyang diin niya na ang mga sangay ng Small Town Lottery sa Visayas at Mindanao ay ginagamit na pantakip sa iba pang uri ng iligal na sugal, tulad ng "swertes."
Tumugon naman si PCSO Assistant General Manager (AGM) Lauro Patiag na nakikipag-ugnayan ang ahensya sa mga alagad ng batas tulad ng National Bureau of Investigation at Philippine National Police dahil walang kapangyarihang manghuli ang PCSO.
"We are also asking our partner agents to report (these) illegal numbers games so we can report accordingly to law enforcement agencies,” aniya.
Ayon kay PCSO Board Secretary Atty. Reymar Santiago, bagama't walang partikular na polisiya ang PCSO sa pagpuksa sa iligal na sugal, ipinapaabot nito sa mga alagad ng batas ang anumang impormasyon na kanilang makalap, gamit ang mga kumpidensyal na pondo ng PCSO.
Sa paghikayat ni Komite Senior Vice Chairperson at Marikina Rep. Stella Quimbo, inihayag ni AGM Patiag na may inilaan sa PCSO na halagang P100 milyon para sa taong 2023, kung saan ang P25 milyon ay nagamit na sa kasalukuyan.
Ipinaliwanag ni Rep. Barbers na may inilaan na kumpidensyal na pondo sa PCSO upang matiyak ang pagtulong nito sa pagpuksa sa iligal na sugal.
“They probably are not performing well because there’s still illegal gambling existing in the country today,” aniya.
Humingi ng kumpirmasyon si Rep. Quimbo kung ang kumpidensyal na pondo ba ng PCSO ay ginagamit para sa mga aktibidad ng paniniktik.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home