PANUKALANG P5.05-B BADYET NG OMB, LUSOT SA PAGDINIG NG KOMITE NG APPRO
Tinapos ngayong Lunes ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan ang pagdinig sa panukalang badyet ng Office of the Ombudsman (OMB) para sa taong 2024. Ang 2024 panukalang badyet ng OMB ay naitakda sa P5.05 bilyon.
Ang orihinal na panukalang badyet ng OMB ay P6.78 bilyon, “Yung diperensya siguro ng hinihiling namin sa binigay ng DBM ay ilagay na lang sa mga proyekto na kailangan ng taumbayan.
Hihigpitan namin ang sinturon namin sa Office of the Ombudsman. Wag lang ibaba sa [budget ng] previous years,” hiling ni Ombudsman Samuel Martires sa Komite.
Inulit ni Komite Chairperson AKO BICOL Rep. Elizaldy Co ang papel ng OMB sa pagtataguyod ng mabuti at etikal na pamamahala, “The Ombudsman serves as a bridge between the government and the governed, ensuring that public services are delivered efficiently, fairly, and without prejudice.”
Tiniyak ni Ombudsman Martires sa Komite na uunahin ng OMB ang pagpuno sa mga hindi napunan na posisyon, kabilang ang pagkuha ng mga abogado mula sa mga lalawigan upang mas malapit sa mga Pilipino ang mga serbisyo.
Ipinaliwanag din ni Ombudsman Martires na ang kumpidensyal na pondo ng ahensya ay ginagastos sa mga imbestigasyon ng kaso.
Aniya, maaari silang maglabas ng sertipikasyon sa paggamit ng mga kumpidensyal na pondo para matiyak ang transparency at accountability.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home