Plano ng Kamara masimulan ang Malaya Rice Project ngayong buwan ayon kay House Speaker Martin Romualdez.
Kasunod na rin ito ng atas ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagpatuloy ang pamamahagi ng bigas, partikular sa National Capital Region, matapos alisin ang price cap.
Ayon kay Romualdez, magsisilbing pilot program ang 33 congressional districts sa NCR.
Isusumite ng NCR congressman ang listahan ng 10,000 indigents sa kani-kanilang distrito.
Makakatuwang sa porgrama ang DSWD kung saan kada benepisyaryo ay makakatanggang ng P1,500 na tulong pinansyal.
Ang P570 dito ay pambili ng 15 kilo ng bigas at ang nalalabi ay para pambili ng iba pang pangangailangan.
Oras na maging matagumpay ay sunod itong ikakasa sa iba pang Metro areas gaya ng Cebu at Davao pati sa rice producing areas para makinabang din ang mga magsasaka na mabili ang kanilang ani.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home