Tatanggap pa rin ng pondo mula sa Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE ang ilang mga ahensya ng gobyerno sa halip na confidential fund.
Ito ang sinabi ni Appropriations senior vice chairperson Stella Quimbo ngayong hapon kasabay ng pag-anunsyo sa mga pangalan ng tanggapan ng pamahalaang aalisan ng naturang kontrobersyal ng pondo
Ayon kay Quimbo, kabilang sa mga ahensyang makatatanggap ng budget mula sa MOOE ay ang
-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na paglalaanan ng P30-M
- P25-M para sa Department of Information and Communications Technology
- P30-M para sa Department of Foreign Affairs
- P30M – Office of the Ombudsman at P150M para sa DEPED sa programa nitong students at teachers assistance in private education
Paliwanag ng kongresista wala kasing direktang mandato sa pagprotekta ng seguridad ng bansa ang mga nasabing ahensya kaya inilipat na lang sa MOOE ang pondo para ma-audit sa halip na sa confidential fund
Habang sa panig naman aniya ng Ombudsman, ang mismong opisina ang sumulat sa kongreso para imungkahi ang pagkaroon ng MOOE.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home