Tuluyan nang tinanggal ng Kamara ang nasa 1.23 billion pesos na confidential funds ng ilang ahensya ng gobyerno sa ilalim ng 2024 proposed national budget.
Sa press briefing ng binuong small committee na naatasang magresolba ng individual amendments, sinabi ni House Appropriations Committee Senior Vice Chairperson at Marikina City Representative Stella Quimbo na "zero" ang confidential funds na ilalaan para sa Office of the Vice President, Department of Education, Department of Information and Communications Technology, Department of Agriculture at Department of Foreign Affairs.
Unanimous aniya ang naging desisyon ng panel na i-realign ang kontrobersyal na pondo sa mga frontline agencies na nakatutok sa pambansang seguridad lalo na sa West Philippine Sea.
300 million pesos ang ibibigay sa National Intelligence Coordinating Agency, 100 million pesos para sa National Security Council, 200 million pesos sa Philippine Coast Guard, 381.8 million pesos sa Department of Transportation para sa airport development at expansion sa Pag-asa Island.
Ipinaliwanag ni Quimbo na naniniwala ang Kongreso na kailangan ng agaran at decisive na hakbang upang maprotektahan ang soberenya ng bansa kaya naman tumugon sila sa panawagan.
Samantala, sa kabuuan ay umabot sa 194 billion pesos ang napagkasunduang institutional amendments sa General Appropriations Bill.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home