Friday, November 10, 2023

Batid na kailangan ng gobyerno ng PONDO --- pero hindi solusyon ang mga POGO. 


Ito ang sinabi ni House Committee on Human Rights chairman at Manila 6th district Rep. Bienvenido Abante kasabay ng payo sa pamahalaan na tuluyan nang i-ban sa ating bansa ang Philippine Offshore Gaming Operators. 


Katwiran ni Abante, mabuting maghanap ng iba pang alternatibo ang gobyerno kaysa sa umasa sa kita mula sa mga POGO. 


Dumating na rin aniya ang tamang panahon para isara ang pinto sa mga POGO, at para matiyak ang kaligtasan at moral ng bansa. 


Ayon kay Abante, hindi naging sapat ang mga regulasyon sa POGOs, at marami sa mga ito ay naging “illegal dens” ng mga bisyo at kriminalidad. 


Inihalimba ni Abante ang nakalipas na raid sa isang POGO hub sa Pasay kung saan nakakita pa ng torture chamber. 


At sa mga pagdinig aniya ng Kamara, nakita na nagdadala lamang ng samu’t saring problema sa Pilipinas ang POGOs na naging “breeding ground” ng kurapsyon, imoralidad at bawal na aktibidad, prostitusyon, ilegal na droga at “modern-day slavery. 


Kwestyonable rin na may ilang pulis o sundalo na nagsisilbing “bodyguards” ng mga Chinese na nagta-ttrabaho sa POGO. 


Kaya naman giit ni Abante, may mga mabigat na dahilan para tuluyan nang ipagbawal ang mga POGO. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home