Mananatili ang proactive approach at pagmamatyag ng Kamara para sa ekonomiya ng bansa sa kabila ng paghupa ng inflation nitong buwan ng Oktubre.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, dapat bantayan ang mga balakid sa supply chain at ang nagpapatuloy na global conflicts upang protektahana ang mga napagtagumpayan sa paglaban sa inflation.
Kasabay nito, ikinatuwa ni Romualdez ang paghupa ng inflation rate sa 4.9 percent na aniya'y bunga ng pagbaba ng presyo ng staple food at gulay.
Muli ring tiniyak ng House Speaker ang commitment ng Kongreso na suportahan ang gobyerno sa pagpapalago ng ekonomiya at pagsisigurong abot-kaya ang mga bilihin.
Sa magandang balitang ito ay maiibsan aniya ang financial pressure at cost of living sa bawat pamilya na magbibigay ng pagkakataon sa kanila na makaipon at mamuhunan sa edukasyon at kalusugan.
Naipamalas din umano ang dedikasyon ng Kamara sa pagbuo ng mga polisiya na susuporta sa katatagan ng ekonomiya, pag-usbong ng investments at pagpapalakas sa agricultural output bilang proteksyon sa external economic challenges.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home