Friday, November 10, 2023

UGNAYANG PH-FRENCH, PINAIGTING NG KANILANG PAG COURTESY CALL KAY SPEAKER ROMUALDEZ


Nag courtesy call si French Ambassador to the Philippines, Her Excellency Marie Fontanel, kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez ngayong Martes sa Batasan Complex. 


Sa pagtitiyak ng paninindigan ng bansa sa ugnayan sa bansang France, ipinahayag ni Speaker Romualdez ang kanyang pagnanais na galugarin ang mga pamamaraan kung saan ay mas mapapaigting pa ang ugnayan ng dalawang bansa. 


Inanyayahan ni Ambassador Fontanel ang mga mambabatas na bisitahin ang kanyang bansa. 


Tumugon si Speaker Romualdez na siya at ang kanyang mga kasama na nalulugod silang mapag-aralan ang hinggil sa French Parliament. 


Tiniyak rin ng embahadora na maaaring ayusin ng French Embassy ang study visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanilang bansa. 


Binanggit ni Ambassador Fontanel na makakapagbahagi sila ng suporta sa Pilipinas na maging self-reliant sa agrikultura, enerhiya, depensa, at seguridad, gayundin ang pagpapalakas ng kakayahan sa pangangalaga sa biodiversity ng bansa, at sa pamamahagi ng suplay ng enerhiya sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan. 


Idinagdag din niya na ang bansang France ay makakapag-alok rin ng kanilang kasanayan sa pagtugon sa epekto ng pagbabago ng klima ng panahon, tulad ng malalaks na mga bagyo at pagbaha. 


Ibinahagi niya na kanyang naobserbahan sa katatapos na halalang pang Barangay at Sangguniang Kabataan (BSKE), at tukuyin kung papaano makakatulong ang bansang France para mapaunlad ang sistema ng BSKE. 


Ipinaabot ni Ambassador Fontanel ang kanyang suporta sa bansa hinggil sa gusot na nararanasan sa teritoryo sa West Philippine Sea, at ipinaliwanag ang niya na sumasang-ayon siya sa United Nations Convention on the Law of the Sea at iba pang pandaigdigang batas. 


Kasama ni Speaker sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, at Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing. 


Malugod namang tinanggap ni Inter-Parliamentary Relations and Special Affairs Bureau (IPRSAB) Director Maria Carmencita Dulay ang Ambassador sa Main Entrance ng Kapulungan, at ipinasyal ang mga panauhin sa Bulwagan bago tumuloy sa courtesy call. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home