MGA PAGKILOS NG TSINA SA WPS, TINALAKAY SA ESPESYAL NA KOMITE NG KAPULUNGAN
Nagpulong ngayong Martes ang Special Committee on West Philippine Sea ng Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales II, at tinalakay ang mga ginagawang pagharang at mga maniobra ng mga Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea (WPS), na humantong sa pagbangga sa isang bangka ng Pilipinas noong nakaraang ika-22 ng Oktubre 2023.
“The committee aims to thoroughly investigate the details and implications of the incident, hear testimonies from those directly involved ensuring a comprehensive understanding of the events, assess the current safety measures and protocols in place for navigating the WPS, and collaborate with stakeholders reinforcing the Philippine stance on upholding international law and territorial integrity,” ani Rep. Gonzales.
Batay sa mga dokumento, habang nasa routine at regular na resupply mission sa BRP Sierra Madre na nakahimpil sa Ayungin Shoal noong ika-22 ng Oktubre, nagsagawa ng mapanganib na maniobra ang dalawang barko ng Chinese Coast Guard, at nabangga ang isang supply boat na kinontrata ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Binanggit ni Rep. Gonzales ang matinding protesta ng Pilipinas laban sa aksyon ng Tsina, “President Marcos has called on the PCG to investigate the matter. The Department of Foreign Affairs has filed another diplomatic protest as it summoned the Chinese Ambassador, and leaders of Congress have condemned the incident and called on China to be held accountable for its actions.”
Aniya, ang madalas na insidente ay isang malubhang dahilan ng pag-aalala at muling inulit ang naunang pangako ng Komite na pangalagaan ang interes ng Pilipinas, at ng mga mamamayan. Inanyayahan ng Komite ang National Task Force (NTF) for the WPS na magbigay ng briefing sa mga mambabatas sa pinakahuling insidente sa pagitan ng mga sasakyang dagat ng Pilipinas at Tsina sa WPS.
Tinanong ni ACT CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo ang NTF-WPS kung may tiyak na plano ba silang itigil ang mga katulad na insidente sa WPS sa hinaharap.
Tiniyak ni NTF at WPS Deputy Director General Nestor Herico kay Rep. Tulfo na may plano ang NTF-WPS na harapin ang mga katulad na usapin sa WPS.
“The NTF-WPS is continuously conducting meetings and planning war games scenarios in the conduct of our operation and fighting for our sovereign rights, as well as jurisdiction in the WPS,” aniya.
Humingi ng ulat si Lanao del Norte Rep. Mohamad Khalid Dimaporo sa mga resource persons tungkol sa mga aktibidad ng Tsina na kinasasangkutan ng iba pang mga umaangkin na bansa sa tinaguriang nine-dash line upang matiyak kung ang mga masamang ginagawa ng Tsina ay higit sa Pilipinas, o ang Tsina ay pantay na lumalaban sa iba pang mga umaangkin, tulad ng Vietnam, Malaysia, at Brunei.
Ayon kay DDG Herico, ang NTF-WPS ay maaaring magbigay ng materyal hinggil sa iba pang mga aksyon na isinasagawa ng Tsina sa South China Sea at WPS sa ibang bansa.
Ayon kay Defense Undersecretary Rodrigo Madriaga, ang ginagawa nila ay sabihin ang inaasal ng mga Tsino, o ang mga paglabag ng mga Tsino kung ano talaga ang mga ito.
“Their every action violates a lot of international laws. What is happening is they are violating collision regulations, which the PCG can explain.” Sang-ayon siya kay Rep. Dimaporo na i-highlight ang mga paghahamon, o mga paglabag sa pamamagitan ng pagdodokumento nito.
“Because by highlighting them (violations), ‘internationalizing’ them, videotaping or documenting everything, we would increase the reputational risk to China and that was not done before.
‘Internationalizing’ is adding reputational cost to China, and they don’t want that. The best manifestation of our diplomatic effort, as well as our documentation and showing it to the world is that now, a lot of countries are expressing their support to the Arbitral Ruling … Physically, we cannot compete with China but on the legal as well as diplomatic and political arena, I think the Philippines is setting the way for other ASEAN claimant- countries in the WPS,” ani Usec Madriaga.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home