Friday, November 10, 2023

Sisikapin ng mga namumuno sa resupply mission sa Ayungin Shoal na mag-arkila ng mga barkong mas matulin sakaling makipaghabulan muli ang China.


Sa pagdinig ng House Special Committee on the West Philippine Sea, inusisa ni Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang Western Command kung gaano kabilis ang mga barkong ginagamit sa resupply mission. 


Sinabi ni WesCom Chief Vice Admiral Alberto Carlos na ang average speed ng chartered boats ay 7 knots na lubhang malayo sa 22 knots na bilis ng Philippine Coast Guard vessels na nagsisilbing escort.


Ipinaliwanag ng Philippine Coast Guard na kinailangan nilang i-adjust ang bilis upang masabayan ang mga barkong naghahatid ng suplay.


Punto ni Tulfo, talagang maaabutan at posibleng mabangga ng Chinese vessels ang mga barko ng Pilipinas kung ganoon kabagal ang takbo at kapasidad nito kaya panawagan niya ay gumamit ng mas maayos na vessel.


Pagtitiyak naman ng WesCom, bahagi na ng action plan ang pag-arkila ng mas mabibilis pati na ang pagdadagdag ng chartered boats bilang pagpapakita ng puwersa sa resupply mission.


Bukod dito, umaasa si Tulfo na may konkretong plano ang National Task Force on West Philippine Sea hinggil sa paulit-ulit na agresibong aksyon ng China na higit pa sa pagsasampa ng diplomatic protests at note verbale. 


Maaari kasi aniyang sa mga susunod na resupply mission ay hindi na lamang laser pointing, pagbomba ng water cannon at pagbangga sa mga barko ang gagawin ng China. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home