Friday, November 10, 2023

Hindi na nagulat si PDP Laban President at Palawan Rep. Jose Alvarez sa ginawang pagbibitiw ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., bilang miyembro at opisyal ng kanilang partido.


Aniya batid nito na ang ginawa ng kasamahang mambabatas ay kortisiya sa liderato ng kanilang partido.


Matatandaan na nagbitiw si Gonzales nitong Lunes mula sa PDP-Laban kasabay ng pagtalakay sa House Resolution 1414— ang kolektibong pahayag ng Kamara na protektahan ang integridad at dangal ng Kapulungan mula sa mga naninira.


Sa pagtalakay kasi dito ay natanong ni Albay Rep. Edcel Lagman kung kanino ba galing ang mga paninira.


Bago tinukoy ni Gonzales ay nagpaalam ito kay Alvarez na aalis na sa partido dahil ang nagbitiw ng mga pahayag ay ang kanilang Chairman na si dating Pang. Rodrigo Duterte.


Sa kabila nito siniguro ni Alvarez na kaisa sila sa kolektibong paghahayag ng Kamara na tindigan ang kanilang institusyon at suportahan si Speaker Martin Romualdez.


Wala rin aniya siyang nakikita masama sa kanilang pagsuporta sa naturang resolusyon, dahil para naman aniya ito sa institusyon


#wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home