Friday, November 10, 2023

Nilinaw ni Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo na suportado niya ang liderato ni House Speaker Martin Romualdez.


Paliwanag ni Arroyo, nasa abroad siya kaya hindi naka-pirma sa House Resolution 1414 o ang manifesto of support sa liderato ni Romualdez.


Hindi man siya naka-pirma, hindi ito nangangahulugan na kontra siya sa House Speaker.


Sa katunayan anya, nang malaman niya na si Romualdez ang gusto at susuportahan ni Pangulong Bongbong Marcos para maging House Speaker, lumiham siya kay PBBM para ipabatid na susuportahan niya ang pinsan ng Pangulo.


Binigyang diin ni Arroyo, hindi siya nakiisa o makikiisa sa anumang tangka na patalsikin si Romualdez at wala na rin siyang plano na muling hangarin pa ang pinaka-mataas na posisyon sa Kamara.


Aminado si Arroyo na maraming intriga sa pulitika karamihan “petty” o hindi mga dapat patulan.


Pero kung makikinig at padadala dito si Romualdez, wala siyang magagawa.


Ngayon na isa na lamang siyang ordinaryong kongresista, mananatili ang kanyang suporta kay PBBM at kay Romualdez.


Ngayon at nagsalita na siya, nakikiusap si Arroyo na move on na dahil mas maraming mahahalagang isyu ang bansa na dapat kaharapin. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home