Hinimok ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang gobyerno na pahintulutan ang Estados Unidos at iba pang kaalyadong bansa na magpatrolya sa West Philippine Sea.
Sa House Resolution Number 1421 na inihain ni Tulfo at ng ACT-CIS, isinusulong ang pag-access ng mga kaalyadong bansa sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sites para sa pagsasagawa ng joint naval at air patrols sa WPS.
Nakasaad dito na bibigyan ng pribilehiyo ang Armed Forces ng Australia, Japan at South Korea na gamitin ang military bases sa ilalim ng EDCA habang nagpapatrolya.
Kabilang sa EDCA sites ang Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, Cagayan at Balabac, Palawan.
Pero kakailanganin ng koordinasyon sa naval at air forces ng Pilipinas at Amerika.
Ipinunto ni Tulfo na wala nang intensyon ang China na igalang ang batas at sinusunod ang "might-is-right doctrine".
At dahil maliit na bansa ang Pilipinas, pinakamainam umano na na pumasok ito sa military alliance lalo't parehong military at economic powerhouses ang Japan at South Korea.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home