Tuesday, November 21, 2023

Iniutos ng Kamara sa mga kongresista na ibalik ang lahat ng “expired” na Protocol Plates na “otso” na inisyu noong nakalipas na mga Kongreso.


Sa isang memorandum na inisyu ni House Secretary General Reginald Velasco --- hiniling sa lahat ng mambabatas na sa lalong madaling panahon ay isauli ang mga na-pasong otsong plaka pati ang mga peke o kahina-hinalang plaka na pag-aari nila.


Ang mga nabanggit ay maaaring dalhin sa tanggapan ng Office of the House Secretarey General para sa angkop na acknowledgment.


Nauna ang sinabi ni Velasco na hindi naglalabas o hindi nagbibigay ng otoridad ang Kamara para sa paggamit ng official plates sa mga sasakyan ng mga miyembro nila.


Hinimok naman ni Velasco ang Land Transportation Office o LTO at Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na hulihin ang mga pasaway na drayber ng mga sasakyang gumagamit ng otsong plaka, mga expired at mga huwad na plaka. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home