Isinusulong ni House Committee on Health vice chairperson at Anakalusugan PL Rep. Ray Reyes na i-realign ang sobrang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth para mapondohan ang konstruksyon ng dagdag ospital at health centers, pati sa pagkuha ng mga health care workers.
Ito ay kasunod ng pagpasa ng House Committee on Appropriations sa House Bill 9513 na layong gamitin ang sobrang kita ng Government Owned and Controlled Corporations o GOCCs bilang pampondo sa mga item sa ilalim ng “unprogrammed funds” sa General Appropriations Act.
Katwiran ni Reyes, mas mabuting ilaan sa pagpapagawa ng mga kinakailangang pagamutan at clinics ang bahagi ng pondo ng Philhealth, kaysa sa mapunta sa malalaking bonuses ng kanilang executives.
Batay aniya sa Philhealth, dapat nasa P200 billion lamang ang reserba nila. Pero sa ngayon, pumapalo ito ng P400 billion.
Ani Reyes, isipin na lamang kung gaano karaming ospital at health centers ang mapapagawa mula sa P200 billion.
Dagdag ni Reyes, ang excess budget ng Philhealth ay uubrang i-realign para mapondohan ang “hiring” ng medical professionals o mapataas ang sweldo ng mga medical personnel ng gobyerno.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home