Malaki ang magiging pakinabang ng mga Pilipino sa pagdaraos ng ika-tatlumpu't isang annual meeting ng Asia-Pacific Parliamentary Forum sa bansa.
Sa press conference sa Philipine International Convention Center sa Pasay City, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na hindi lamang nakatutok sa isyu ng tensyon sa West Philippine Sea ang APPF kundi pagtitibayin din ang mga posisyon sa iba't ibang interes at kooperasyon.
Magandang oportunidad aniya ang parliamentary forum para sa sektor ng turismo, pamumuhunan, edukasyon, kultura at iba pang mapagkakasunduan na magpapasigla sa relasyon ng mga bansa.
Naniniwala rin si Romualdez na mapalalakas ang kandidatura ng Pilipinas na maging bahagi ng United Nations Security Council at ang pagkakaroon ng mga regular na kinatawan o young parliamentarians sa APPF.
Nakabuti umano ang mainit na pagtanggap ng Pilipinas sa mga delegado na karamihan ay policymakers at gumagawa ng batas sa kani-kanyang bansa.
Bukod dito, binigyang-diin ng House leader na makikita nila ang magandang "working relationship" sa pagitan ng Executive at Legislative Branches.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home