Napapanahon ang pagdalo ni Pangulong Bongbong Marcos sa Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Leaders' Summit sa Amerika upang ibida ang bagong tatag na Maharlika Investment Fund.
Ayon kay Misamis Oriental Second District Representative Yevgeny Emano, inaasahang aakto si Marcos bilang "salesman" ng MIF dahil batid nitong magandang pagkakataon ang pakikipagpulong sa APEC kasabay ng implementasyon ng sovereign wealth fund.
Tiyak din aniyang gagamitin ng punong ehekutibo ang nakamit na 5.9 percent GDP growth sa third quarter upang manghikayat ng mas maraming investor.
Paliwanag ni Emano, nakabuti ang revised implementing rules and regulations ng MIF upang mas magkaroon ng kumpiyansa ang mga mamumuhunan.
Samantala, nasisiguro na ng kongresista na mag-uuwi ng malalaking investment pledges at business deals ang pangulo mula sa kanyang foreign trip.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home