Tuesday, November 21, 2023

Para kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, matagumpay ang naging biyahe ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa Estados Unidos. 


Sa isang pahayag, sinabi ni Romualdez na malaking-bagay ang nasungkit ni PBBM na 672.3 million dollars na “investment pledges” sa Amerika. 


Ang mga kasunduang ito aniya ay nakamit sa sidelines ng 30th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting. 


Naniniwala ang Speaker na magbubukas ang mga ito ng bagong oportunidad sa iba’t ibang sektor ng Pilipinas. 


Dagdag ni Romualdez, ang naturang pledges ay patunay ng tiwala ng international community sa pamumuno ni Pres. Marcos Jr. 


At ang mga naselyuhan ng Punong Ehekutibo ay nagpapakita ng kanyang dedikasyon para sa economic interests ng ating bansa, at pagpapalakas ng partnertships sa “global stage.” 


Sa isang pulong balitaan sa Hawaii, binanggit ni Pang. Marcos Jr. na bagama’t ang halaga ng mga pamumuhunan na ito ay hindi kasinlaki kumpara sa mga nalakipas na biyahe ay nakatuon naman aniya ito sa mga sektor na mahalaga gaya ng teknolohiya, kalusugan, elektrisidad at seguridad. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home