Ikinalugod ni House Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co ang napaulat na consensus sa mga senador na tatanggalin ang confidential at intelligence funds ng civilian agencies sa 2024.
Ayon kay Co, nangangahulugan ito na tama ang naging pasya ng Kamara na i-realign ang naturang pondo sa mga ahensyang may kinalaman sa pambansang seguridad at sa pagprotekta sa West Philippine Sea.
Tiwala rin si Co na magiging mabilis ang bicameral conference ukol sa 2024 proposed budget dahil sa umano'y napagkasunduan ng mga senador.
Batay sa impormasyon ay nagkaisa umano ang mga senador sa ginawang caucus na alisin ang CIF ng civilian agencies.
Naniniwala naman si House Deputy Majority Leader at Quezon City Representative Franz Pumaren na umaayon ang consensus sa opinyon ng publiko sa pinakahuling OCTA Research survey.
57 percent ng mga Pinoy ang pumabor sa desisyon ng Kongreso na i-reallocate ang CIF sa government entities na direktang may mandato sa national security concerns.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home