Friday, November 10, 2023

Panukalang magtayo at ilipat ang House of Representatives sa BGC,  hindi prayoridad…



Hindi prayoridad sa ngayon ng Kongreso na ilipat ang lokasyon at magtayo ng gusali ng House of Representatives sa Banifacio Global City sa Taguig.


Ito ang nilinaw ni House Secretary General Reginald Velasco matapos isinumite ang House Resolution 1390 nina Congressmen LRay Villafuerte, Aurelio Gonzales Jr. at David Suarez.


Ayon kay Velasco, maraming dapat ikunsidera sa paglilipat ng lokasyon at pagtatayo ng  bagong gusali ng Mababang Kapulungan sa BGC lalo na’t sa ngayon walang dahilan para isagawa ito.


Sa resolusyon ng tatlong kongresista, bubuo ng ad hoc committee para magsagawa ng pag-aaral para sa panukalang magtayo ng gusali at ilipat ang Kamara sa BGC.


Katuwiran ng tatlong Kongresista, makabubuti na magkatabi ang gusali ng Senado at Kamara sa iisang lugar para umano mas mabilis ang communication and coordination of legislative work.


nakatakda nang lumipat ang Senado sa kanilang sariling gusali sa BGC sa kalagitnaan ng 2024.


Matatandaan, itinayo ang Senate building dahil matagal nang nangungupahan ang Senado sa gusali ng GSIS sa Pasay City, kumpara sa Kamara na may sariling gusali sa Batansan Pambansa Complex. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home