Friday, November 10, 2023

SPEAKER ROMUALDEZ ITINALAGA BILANG LEGISLATIVE CARETAKER NG PALAWAN; MGA HAKBANG HINGGIL SA PAGPASOK SA MGA KASUNDUAN PARA SA PAGTATATAG NG MGA PASILIDAD NG NUKLEAR POWER, AT PAGPAPABUTI NG KLIMA AT DISASTER RISK INSURANCE, PINAGTIBAY 


Itinalaga ng Kapulungan ng mga Kinatawan ngayong Miyerkules si Speaker Ferdinand Martin Romualdez bilang legislative caretaker ng Ikatlong Distrito ng Lalawigan ng Palawan. Bago ito, pinagtibay ng mga mambabatas ang House Resolution (HR) 1368, na nagpapahayag ng malalim na pakikiramay ng Kapulungan sa pamilya ng yumaong si Hon. Edward Solon Hagedorn, dating kinatawan ng Palawan at Mayor ng Lungsod ng Puerto Princesa. Batid ang kagyat na pangangailangang makahanap ng abot-kaya at maaasahang pinagkukunan ng kuryente, pinagtibay din ng Kapulungan ang HR 1282, na humihimok sa Department of Energy (DOE) na pasimulan, makipag-ayos, at pumasok sa mga kasunduan ng intergovernmental para sa pagtatatag at pagpapatakbo ng mga pasilidad ng nuclear energy generating power. Sa ilalim ng resolusyon, maaaring isaalang-alang ng bansa ang mga panukala at bumuo ng mga pakikipagtulungan sa ibang bansa at pribadong kompanya, upang magkaroon ng karagdagang kaalaman sa makabagong teknolohiya ng enerhiyang nukleyar. Gayunpaman, ang panukala ay nakasalalay sa pagkumpleto ng nuclear regulatory structure ng bansa. Sina Pangasinan Rep. Mark Cojuangco, PHILRECA Party-list Rep. Presley De Jesus, at APEC Party-list Rep. Sergio Dagooc ang may akda ng resolusyon. Pinagtibay din ng Kapulungan ang HR 1264, na nag-endorso ng paglikha ng isang collaborative partnership upang mapabuti ang Climate and Disaster Risk Financing and Insurance (CDRFI) sa bansa. Pinapadali ng CDRFI ang pagtatatag ng mga hakbang upang mapagaan at matugunan ang mga kahihinatnan ng mga kalamidad at mapahusay ang mga pagsisikap sa pagbawi, sa pamamagitan ng pagtiyak ng pagkakaroon ng mahahalagang mapagkukunan para sa katatagan at pagbawi. Si Bohol Rep. Edgar Chatto ang may akda ng HR 1264. Pinangunahan ni Deputy Speaker Roberto Puno ngayong Miyerkules ang sesyon sa plenaryo. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home