Kamara tutulong para mabawasan siksikan sa mga kulungan, pagandahin kalagayan ng mga preso
Inihayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kahandaan ng Kamara de Representantes para tumulong sa paglikha ng kolektibong hakbang na tutugon sa isyu ng siksikan sa mga piitan ng bansa.
Sa kaniyang mensahe sa National Jail Decongestion Summit na idinaos ngayong Miyerkules sa Diamond Hotel sa Maynila, ipinunto ni Speaker Romualdez na hindi lang isyu ng logistics at istraktura ang jail congestion kundi usapin din ng karapatang pantao.
Nagsama-sama sa naturang pulong ang mga miyembro ng justice sector gaya ng Supreme Court, Department of Justice, Department of the Interior and Local Government, at iba pang ahensya ng pamahalaan para talakayin ang isyu ng punuan nang mga detention facility.
“The overcrowded conditions in our detention facilities reflect upon the state of our judicial processes and the very essence of justice and humanity in our society,” sabi ni Romualdez, pinuno ng Kamara na may higit 300 kongresista
“Many languish in overcrowded jails, not due to the severity of their crimes, but because of prolonged processes and inadequate infrastructure. This reality calls for our immediate and decisive action,” dagdag niya.
Kamakailan iniulat ng DOJ na 70 porsyento ng pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay puno na at may average congestion rate na 386 porsyento.
Para epektibong matugunan ang hamon ng jail congestion at kalunos-lunos na sitwasyon ng mga persons deprived of liberty inilatag ni Speaker Romualdez ang ilan sa mga pangunahing panukala na handang dinggin at aralin ng Kapulungan
“As we deliberate over these proposals, let us remember that at the heart of our discussions are real people — individuals whose lives and futures depend on the decisions we make and the actions we take. Our duty is not just to the law but to humanity,” saad ni Romualdez.
Una dito, bukas aniya ang Kamara na magsagawa ng pagrepaso sa klasipikasyon mga krimen bilang ‘capital’ at ‘non-bailable’ dahil na rin sa kailangan na ng ‘overhaul’ ang Revised Penal Code classification system na halos isangdaang taon na ang tagal.
“This review will assess the deterrent effect of these classifications and consider the decriminalization of certain offenses like libel, abortion, and dueling. Our goal is to ensure that punishments are proportionate to the gravity of the crimes committed,” ani Romualdez.
Ipinanawagan din ni Romualdez ang pagsasabatas ng Diversion of Adult Offenders para sa isang program ana kahalintulad ng sa children in conflict with the law.
Sa ilalim ng Juvenile Justice and Welfare Act (RA 9344) ang “diversion" ay isang alternatibong pamamaraan para tukuyin ang responsibilidad at pagtrato sa isang child in conflict with the law batay sa kaniyang social, cultural, economic, psychological o educational background nang hindi dumadaan sa isang normal na court proceeding.
Sinabi rin ni Romualdez na kinikilala ng Kamara ang pangangailangan sa pinag-isa at episyenteng pamamahala ng mga prison facility. Kaya naman isasailalim ng Kapulungan pagtalakay ang panukalang Unified Penology System sa ilalim ng isang bagong kagawaran Department.
“This new structure, we all hope, can lead to streamlining of operations and bring our standards in line with international obligations,” wika niya.
Tinuran din ng Speaker ang pangangailangan ng batas sa Reintegration and Psychosocial Rehabilitation, bunsod na rin ng paulit-ulit na pagkakasala lalo na ng mga sangkot sa droga at property crimes dahil sa kawalan ng epektibong reintegration programs.
“There may be a need for a new law focusing on reintegration, including psychosocial rehabilitation, which seeks to provide essential support for released offenders, aiding in their return to society and reducing recidivism,” punto ni Romualdez
Ikinokonsidera rin aniya ng kapulungan ang amyenda sa Recognizance Act upang mas maging accessible gawing simple ang proseso sa mga benepisyaryo at pagpapalawig sa mga maaaring maging tagapangalaga.
Suportado rin ni Romualdez ang pagpapalakas sa Commission on Human Rights para maging National Preventive Mechanism laban sa Unjust Incarceration. Bahagi nito ang pagpapalakas sa Komiyson sa pamamagitan ng pagbibigay ng datos at analysis tools sa pagbabantay at pagtugon sa pagkakakulong at pagpapalaya.
“Ladies and gentlemen, the path ahead is challenging, but our resolve is firm. These proposals represent a holistic approach to a complex problem. They reflect our commitment to a justice system that is not only efficient and equitable but also humane and respectful of the rights and dignity of every Filipino,” ayon kay Romualdez.
Pinapurihan ni Romualdez ang naturang pulong na isa aniyang patotoo sa kolektibong hangarin ng pamahalaan sa pamumuno ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na harapin ang problema ng jail congestion.
“The collaboration under the auspices of the Justice Sector Coordinating Council, which includes the Supreme Court, the Department of Justice, and the Department of the Interior and Local Government, is commendable. This partnership symbolizes a unified approach in dealing with complex challenges while respecting the autonomy of each institution,” sabi pa niya.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home