Aminado ang Philippine Egg Board na nagkaroon nga ng pagtaas sa presyo ng itlog.
Paliwanag ni Francis Uyehara, pangulo ng Philippine Egg Board pangunahing dahilan ng pagtaas sa presyo ay kakulangan sa suplay.
Bunsod aniya ito ng pagkamatay ng mga manok dahil sa bird flu.
Katunayan ang pagtama ng bird flu sa Europe ay naka apekto rin sa dami ng layer birds, habang dito naman sa lokal, nag bawas ng mga manok para iwas lugi sakaling tamaan ng bird flu.
Dagdag pa ni Uyehara ang mga farm na tinatamaan ng bird flu ay inaabot ng isang taon bago maka recover.
Ngunit sa nakalipas aniya na anim na linggo, ay nag-stable na ang farm gate price ng itlog kaya makaka asa aniya na sa mga susunod na linggo ay unti-unti na ring bababa ang presyo nito sa pamilihan.
Sa ngayon batay sa weekly price monitoring ang average price ng kada piraso ng medium sized na itlog ay nasa 8 pesos.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home