Aminado ang Department of Agriculture na binabantayan nila ang presyuhan ng bigas sa pandaigdigang merkado.
Sa briefing na ipinatawag ng House Committee on Agriculture and Food, sinabi ni DA Undersecretary for Rice Industry Development Leocadio Sebastian na may pagkabahala sila sa unti-unting pagtaas na naman ng presyo ng bigas sa world market
Partikular dito ang Vietnam at Thailand na pawang pangunahing pinagkukunan ng Pilipinas ng imported na bigas.
Sinabi naman ni DA-National Food Authority Administrator Roderico Biocon isa sa tinitignan nila ngayon na alternatibong pagkunan ay ang India.
Bagamat nagpatupad kasi ito ng ban sa importation ng non-basmati rice ay nagkaroon ng kasunduan sa Pilipinas via government to government para makapag angkat pa rin ang Pilipinas ng bigas.
Inaasahan na ngayong buwan darating ang biniling bigas ng Pilipinas mula India
Ani Biocon, sa ngayon mahalaga na magkaroon ng stable na suplay ng bigas ang bansa para maging stable din ang presyo nito sa pamilihan.
Para aniya mapababa ang presyo ng bigas ay kailangan ng 300,000 metric tons na suplay ng bigas kada buwan.
Aminado naman ang opisyal na kahit dumating ang inangkat na bigas mula India ay hindi agad mararamdaman ang pagbaba sa presyo nito.
Batay sa monitoring ng Agriculture Marketing Assistance o AMAS ng DA sa ilang piling pamilihan naglalaro ang presyo ng imported na bigas kada kilo sa 50 pesos para sa well milled, 57.91 pesos para sa premium at 60.95 pesos para sa special.
Ang local naman na bigas, pinakamura ang regular milled na 45.68 pesos kada kilo50.34 pesos sa well milled, 54.51 sa premium at 60.66 pesos sa special
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home