Thursday, December 07, 2023

Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez na tutulong ang Kamara sa pagtugon sa isyu ng congestion o pagsisikip ng mga bilangguan sa bansa.


Sa kanyang mensahe sa National Jail Decongestion Summit sa Maynila, sinabi ni Romualdez na ang suliranin sa congestion ng mga kulungan ay hindi lamang usapin ng logistics at imprastraktura kundi pati na sa karapatang pantao.


Nagsama-sama sa summit ang iba’t ibang sektor kabilang ang Korte Suprema, Department of Justice, DILG at iba pang ahensya ng gobyerno upang talakayin ang malawakang problema sa overcrowded na detention facilities.


Ipinunto ng Speaker na ang kondisyon ng mga piitan ay sumasalamin sa lagay ng judicial processes at ang kahalagahan ng hustisya at sangkatauhan sa lipunan.


Paliwanag nito, ang pagsisiksikan ng mga preso sa bilangguan ay hindi dahil sa bigat ng nagawang krimen kundi sa mahabang proseso at kakulangan ng imprastraktura kaya kailangan na ito ng “decisive” na hakbang.


Una nang iniulat ng DOJ na 70 percent ng detention facilities na hawak ng Bureau of Jail Management and Penology ay overcrowded na at tinatayang may average congestion rate na 386 percent.


Upang epektibong masolusyunan ang hamon sa jail congestion at ang hirap na pinagdadaanan ng persons deprived of liberty, nakahanda umano ang Kongreso na pag-aralan ang ilang panukala.


Kabilang na rito ang komprehensibong review sa classification ng mga krimen bilang “capital” at “non-bailable” dahil sa halos isang siglo nang sistema sa ilalim ng Revised Penal Code.


Ikokonsidera umano ang decriminalization ng ilang paglabag tulad ng libel, abortion at dueling upang masiguro na ang ipinapataw na parusa ay naaayon sa bigat ng krimen. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home